Pinas makakakuha ng 30-M doses ng Novavax vaccine sa mga susunod na buwan, ayon sa Indian envoy

Imahe mula sa Japan Times
  • Maaaring makakuha ng hanggang 30 milyong doses ng Novavax vaccine ang Pilipinas
  • Halos tapos na umano ang usapan para dito, ayon sa Indian envoy
  • Bukod sa Novavax, handa rin silang mag-supply ng Covaxin sa bansa

Maaaring makakuha ng nasa 30 milyong doses ng Novavax vaccine ang Pilipinas sa mga susunod na buwan kapag napirmahan na ang kasunduan dito, ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran.

Patuloy na umano ang negosasyon sa pagitan ng ilang Indian officials at vaccine czar Secretary Carlito Galvez para sa supply ng bakuna na ginawa sa India at idi-distribute ng American firm na Novavax.

Imahe mula sa Deutsce Welle

“The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani Kumaran sa isang briefing nitong Huwebes.

Halos plantsado na ang usapan tungkol sa Novavax at umaasa si Kumaran na anumang araw mula ngayon ay maiaanunsiyo na ito ni Galvez sa publiko.

“We’re very hopeful that this vaccine can reach early in the third quarter or in the late second quarter of this year. It will provide the backbone for the Philippines’ vaccination effort in the second half of this year,” ayon pa sa envoy.

Amb. Shambhu Kumaran| Imahe mula sa PCOO

Maliban dito, sisimulan na rin ang negosasyon ng Pilipinas at Indian pharmaceutical company na Bharat Biotech para naman sa supply ng Covaxin.

Handa rin umano ang naturang kompanya na magpadala ng inisyal na supply ng Covaxin na aabot hanggang 8 milyong doses.

“We’re looking at anything upwards of 8 million, over a period of time. Over a period of a year to 18 months we could even go up to 20 million doses. It really depends on the kind of agreement that we can reach,” bahagi ni Kumaran sa panayam ng CNN Philippines.

Imahe mula sa India TV News

.

Kung mas maagang maisarado ang deal ay mas maaga ring maide-deliver ang bakuna at posibleng madagdagan pa ang doses na maibibigay sa Pilipinas.

Ang Covaxin ay may naiulat na 81% efficacy rate at ang pang-apat na nag-apply para sa emergency use authorization sa Food and Drugs Administration (FDA). Sa kasalukuyan ay hinihintay na lang ng FDA ang resulta ng Phase 3 clinical trial nito para tuluyang maaprubahan.

Loading…