Pinay nanny sa Canada itinaya ang kaligtasan para ‘di tamaan ng SUV ang dalawang batang inaalagaan

Screenshot mula sa Balitang America video
  • Pinay caregiver sa Canada itinuring na bayani sa pagliligtas sa dalawang batang inaalagaan
  • Naatrasan at naipit ng SUV na nagpa-park sa gilid ng kalsada ang Pinay caregiver
  • Bago siya tamaan ng SUV ay itinulak niya palayo ang stroller ng dalawang bata na inaalagaan niya

Nagtamo ang Pinay caregiver sa Canada na si Jillian Mendoza, tinatayang nasa 30s ang edad, ng seryoso pero ‘di naman life threatening na pinsala sa katawan matapos niyang itaya ang sariling kaligtasan upang hindi mapahamak ang dalawang bata na nasa kanyang pangangalaga.

Screenshot mula sa Balitang America video

Isang sports utility vehicle (SUV) ang sumampa sa sidewalk habang nagtatangka itong mag-park sa gilid ng kalsada sa St. Clair Ave. W. malapit sa Dufferin Street, dakong 11 ng umaga noong February 24.

Batay sa kuha ng CCTV, isang kulay itim na SUV ang nagpa-parallel parking sa gilid ng kalsada. Noong una ay dahan dahan itong umaatras, pero bigla na lang bumilis ang pag-atras niyon. Tinamaan nito ang isang parking meter at ang caregiver na si Mendoza.

Mabilis ang ginawang aksyon ni Mendoza na itulak palayo ang stroller bago siya tamaan at maipit  ng SUV.

“When officers arrived at the scene, the stroller was actually partially pinned between the vehicle and the wall, which is unbelievably lucky and everyone here is thankful that she actually took the actions that she did,” ayon sa mga awtoridad.

Screenshot mula sa Balitang America video

Agad umanong isinugod sa pagamutan ang Pinay caregiver habang ang dalawang bata ay nagtamo lang ng minor injuries.

Isang kaibigan ang nagsimula ng GoFundMe campaign para makatulong sa agarang recovery ni Mendoza.

“Jillian is a Filipina nanny who came to Canada a few years ago. She is a single mom working hard to sustain her daughter’s and parents’ needs,” sabi ng GoFundMe organizer na si Anney Anna Gonzales.

Nakalikom ang GoFundMe campaign ng $165,299 as of posting.

Lubos na pinasalamatan ni Mendoza ang lahat ng mga nagbigay ng donasyon at panalangin para sa maaga niyang paggaling.

Screenshot mula sa Balitang America video

Panoorin ang video na ibinahagi ng ABS CBN News via YouTube:

Loading…