PNP chief Gen. Sinas nagpositibo sa COVID; Eleazar itinalaga bilang OIC

Imahe mula sa PNA
  • Nagpositibo sa COVID-19 si PNP chief General Debold Sinas
  • Kinumpirma ito ni Lt. Gen. Eleazar na siyang itinalaga bilang OIC nitong Biyernes
  • Nanawagan naman si Eleazar sa publiko at lahat ng kapulisan na patuloy na sumunod sa health protocol

Nagpositibo sa COVID-19 si PNP chief General Debold Sinas kaya pansamantalang itinalaga ang kaniyang second-in-command na si Lieutenant General Guillermo Eleazar bilang officer-in-charge.

Sa isang pahayag na inilabas ng PTV News nitong Biyernes, kinumpirma ni Eleazar ang kaniyang pagkakatalaga bilang OIC ng PNP habang nagpapagaling si Sinas.

“Following the unfortunate incident wherein our Chief PNP, General Debold M. Sinas, tested positive for coronavirus, I was designated as the OIC, PNP as a matter of protocol,” ani Eleazar.

Imahe mula sa NCRPO Facebook page

Maayos naman daw ang kalagayan ngayon ng PNP chief at patuloy na nakakausap pa rin niya, ayon kay Eleazar.

“As OIC PNP, I will be taking over the affairs of the PNP temporarily and until such time that our Chief PNP fully recovers. Right now, the Chief PNP is doing well and I am in constant communication with him for consultation especially on matters that require his attention and guidance,” dagdag na pahayag ng opisyal.

Huwebes ng gabi nang unang kumpirmahin ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na nahawahan nga ng COVID si Sinas. Gayunpaman, wala umanong dapat ikabahala dahil maayos naman ang kalagayan nito.

Lt. Gen. Eleazar| Imahe mula sa Tribune

Samantala, nanawagan naman si Eleazar sa publiko at sa lahat ng kapulisan na patuloy na sumunod sa health protocol para sa kaligtasan ng lahat.

“The threat of coronavirus remains and in fact we have been observing an upsurge of COVID-19 cases in the past days as reported by the DOH. Thus, we should all be vigilant for our protection, and for the protection of our families,” panawagan ng opisyal.

Umaasa rin umano siya sa maagang paggaling at pagbalik sa serbisyo ng PNP chief.

“On behalf of the men and women of the PNP, I pray for the full recovery of my mistah in the soonest possible time,” wika pa ni Eleazar.

Loading…