PNP chief Sinas naturukan na ng COVID vaccine, ayon kay Mon Tulfo

Mga imahe mula sa Wikipedia/ You Tube
  • Ibinulgar ni Mon Tulfo na nabakanuhan na ng COVID vaccine si PNP chief Gen. Debold Sinas
  • Kasabay pa raw niya itong nagpabakuna Nobyembre noong nakaraang taon
  • ‘Smuggled’ na Sinopharm vaccine umano ang itinurok sa kanila, gaya ng ginamit sa PSG

Ibinulgar ng kolumnistang si Ramon Tulfo na nabakunahan na ng smuggled na COVID-19 vaccine noong nakaraang taon pa si PNP chief General Debold Sinas.

Sa kaniyang column sa Manila Times nitong Huwebes, Marso 18, sinabi ni Tulfo na kasabay pa nga niyang nabakunahan si Sinas noong Nobyembre 2020.

“Sinas will not die of the dreaded virus infection. Sinas will survive because he got injected with the Sinopharm vaccine along with this columnist in November last year,” bahagi ni Tulfo sa kaniyang column.

Imahe mula sa CNN PH

Wika pa ng special envoy to China, smuggled na Sinopharm ang naiturok sa kanila tulad ng ginamit noon sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

“Sinas was inoculated with the smuggled vaccine along with his security escorts. The Sinopharm vaccine was also given to many members of the Presidential Security Group,” ani Tulfo.

Dahil dito, nauunawaan umano niya kung bakit nilabag ng PNP chief ang safety protocols nang dumalaw ito sa Oriental Mindoro kamakailan sa pamamagitan ng hindi pagdaan sa medical screening.

“Let’s give the guy a break once in a while. He is doing his best,” dagdag pa ng kolumnista.

Imahe mula sa Oriental Mindoro PIO

Kaugnay nito, pinabulaanan naman ng pamunuan ng PNP ang alegasyon ni Tulfo. Hindi raw sana mahahawahan ng COVID ang opisyal kung talagang naturukan na ito ng bakuna

“Our chief simply said that if he had his vaccine, he could not have been infected with COVID-19,” ayon sa text message ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa mga mamamahayag.

Basahin:  Calapan mayor nilinaw na sumunod si PNP chief Sinas sa travel requirements ng lungsod

Nilinaw na rin dati ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan na sinunod ni Sinas ang kanilang travel requirements nang bumisita ito sa lungsod noong isang linggo.

Bukod dito, hindi pa naman daw napatutunayan na hindi nga sinunod ng PNP chief ang health protocol nang dumalaw ito sa Calapan gaya ng inilabas na pahayag ng provincial government ng Oriental Mindoro.

Loading…