PNP inilabas na ang 20 ‘quarantine control points’ sa NCR at karatig-lugar

Imahe mula sa PNP Facebook
  • Naglabas ng 20 ‘quarantine control points’ ang PNP
  • Ito ay kasunod ng ipinatutupad na GCQ Bubble sa NCR Plus
  • Restricted na rin ang galaw ng mga tao sa loob ng GCQ bubble

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Marso 22, ang 20 ‘quarantine control points’ (QCPs) na kanilang ikinasa sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila at kalapit-probinsiya kabilang na ang Bulacan, Pampanga, Batangas, Laguna at Cavite (NCR Plus).

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng ‘general community quarantine (GCQ) bubble’ sa NCR Plus simula nitong Lunes din at magtatagal hanggang sa Abril 4 bunsod na rin ng patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng COVID sa bansa.

Imahe mula sa PNP Facebook

Kabilang sa mga QCPs ay nasa Pulilan exit, Sta. Rita exit, Bocaue exit, Philippine Arena exit, Meycauayan exit at Marilao exit sa North Luzon Expressway (NLEX) pati ang mga daanan sa ilang piling barangay sa Bulacan patungong Pampanga.

Sa bandang Timog naman,  itinalaga ang mga QCPs sa piling barangay sa Cavite patungong Batangas, sa Laguna patungo ring Batangas, at sa Laguna patungong Quezon.

Ano ang QCQ bubble?

Ang bubble ay tumutukoy sa isang lugar kung saan restricted ang pagpasok at paglabas ng mga tao. Ang GQC bubble, ayon sa Palasyo, ay isang classification sa ilalim ng GCQ na may mas pinaigting na restrictions.

Imahe mula sa PNP Facebook

Hindi papayagan ng mga awtoridad ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa loob ng GCQ bubble kung hindi naman ito ‘essential travels.

Ang papayagan lamang ay mga authorized persons outside their residence (APORs) tulad ng mga essential workers with valid identification cards; health and emergency frontline service personnel; government officials;  accredited humanitarian assistance workers; persons traveling for humanitarian reasons, persons going for travel abroad; persons crossing zones for work or business or going back home, returning overseas Filipinos and overseas Filipino workers.

Sa mga nagtatrabaho naman sa loob ng bubble at nakatira sa labas nito, o vice-versa, papayagan pa rin silang makapasok o makalabas basta’t may maipakitang dokumento.

Imahe mula sa Bloomberg

Bawal ang turismo, kabilang na ang mga biyahe nitong Semana Santa. Subalit ang mga turistang pauwi sa loob ng bubble ay papayagang makapasok basta’t may maipakitang katibayan kung saan siya nakatira.

Ang mga nasa loob ng bubble ay may kalayaan pa ring bumiyahe sa mga lugar na nasa bubble rin maliban na lamang sa mga edad 17 pababa at 66 pataas.

Suspendido na muna ang pagbubukas ng mga driving schools, traditional cinemas, arcades, libraries, archives, museums at cultural centers; habang binawasan na rin ang capacity ng mga dine-in restaurants, cafes at mga establisimyentong nag-aalok ng mga personal care services sa 50% na lamang; at ang religious gatherings bawal na rin muna.

Loading…