PNP magpapakalat ng 10,000 kapulisan para sa pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila

Imahe mula sa PNA
  • Magpapakalat ang PNP ng nasa 10,000 kapulisan sa NCR
  • Ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng uniform curfew sa Metro Manila
  • Sinimulan ang curfew nitong Lunes, Marso 15 at aabot hanggang sa katapusan ng buwan

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 10,000 kapulisan upang maayos na maipatupad at mabantayan ang uniform curfew simula Lunes, Marso 15.

Ayon sa pahayag ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang deployment ng karagdagang puwersa mula sa kanilang hanay ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Imahe mula sa Tribune

Ang uniform curfew ay ipatutupad sa lahat ng lungsod at bayan na nasasakupan ng NCR sa loob ng dalawang linggo.

“In consultation with our Chief PNP, Gen. Debold Sinas, I have ordered the deployment of additional policemen to augment the National Capital Region Police Office (NCRPO) in the implementation of uniform curfew hours in Metro Manila from March 15 to March 31, 2021,” pahayag ni Eleazar.

Sa kaniyang panayam sa “24 Oras” ng GMA News, inatasan ng opisyal ang kaniyang mga tauhan na ipatupad ang maximum tolerance at irespeto ang karapatang pantao habang ipinatutupad ang curfew.

Imahe mula sa PNA

“To our personnel on the ground, be reminded of our two rules to avoid unnecessary confrontation to the public — one, observe maximum tolerance; and two, respect the people’s rights. We will be closely monitoring your compliance,” ani Eleazar.

Para naman sa publiko, hinimok rin ng PNP OIC na igalang ng mga mamamayan ang alituntunin sa pagsunod sa health protocol at igalang rin ang mga naka-unipormeng alagad ng batas.

“And to the public, we also offer a formula to prevent unnecessary confrontation and spare yourself from arrest: one, respect the rules on observance of the minimum health safety standard protocols; and two, respect the authorities that are enforcing these protocols,” apela ng opisyal.

Ang curfew ay ipatutupad sa NCR hanggang Marso 31 mula 10 pm hanggang 5am araw-araw.

Imahe mula sa MMDA

Para maiwasan ang kalituhan, ang mga sumusunod ay exempted sa curfew: Medical practitioners, nurses, ambulance drivers at empleyado ng medical facilities na papasok at pauwi galing trabaho; attendants ng mga taong may emergency medical situation; mga nangangailangan ng emergency medical assistance para sa kanilang sarili o sa ibang tao; drivers ng delivery trucks ng essential goods; at may-ari at empleyado na nagtatrabaho sa delivery ng essential goods.

Exempted din ang mga call center agents at construction workers na nagtatrabaho; media practitioners; mga pasahero galing o papuntang airport; drivers ng private transportation na ginagmit bilang shuttle services; mga miyembro ng Law Enforcement Agencies (LEAs), kabilang na ang AFP, BFP, PCG at iba pang emergency responders; mga security guards; at mga empleyado ng fast food chains na bukas.

Loading…