Poor man’s fish hindi na ma-afford ng mga mahihirap

Imahe mula sa About Filipino Food
  • Hindi na raw maabot ng mga mahihirap ang presyo ng poor man’s fish na galunggong
  • Hilining ng Pamalakaya na magpatupad ng price cap sa galunggong na umabot na sa P280 per kilo ang presyo sa mga palengke
  • Hiniling ng grupo na tulungan ang mga maliit na mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili sa mga huli ng mga ito at dalhin sa mga pamilihan para sa mas abot-kayang presyo

Nagsagawa ng pagkilos ang isang grupo ng mga mangingisda upang manawagan sa pamahalaan na suportahan ang mga maliliit na mangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng galunggong na tinatawag na poor man’s fish.

Imahe mula sa Fresh Deals PH

Sinabi ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang kailan lang na pagtaas ng persyo ng galunggong ay karagdagang pabigat sa mga mamamamili na hilong talilong na sa mataas na bilihin, lalo na ang mga karneng baboy at manok

“Once a poor man’s fish, galunggong is no longer affordable to poor families courtesy of its unreasonable prices. With the prices of other foods such as rice, vegetables, and meat products rising, ordinary consumers who have yet to recover from the crises of pandemic have now nothing to choose from to eat a decent meal,” ayon sa statement ni Fernando Hicap, ang Pamalakaya national chairperson.

Hiniling ng grupo na tulungan ang mga maliit na mangingisda sa pamamagitan ng direktang pagbili sa mga huli ng mga ito at dalhin sa mga pamilihan para sa mas abot-kayang presyo.

Imahe mula sa Pamalakaya

“We demand a government support for small fishers in the same way that hog raisers have been subsidized to address the pork shortage and its unprecedented price increase. Our demand will give the small fishers decent income and at the same time will give consuming public an affordable price of fish,” sabi pa ni Hicap.

Hiniling din ng grupo na magpatupad din ng price cap sa mga isda dahil umabot na sa P280 per kilo ang presyo ng galunggong.

Imahe mula sa Pamalakaya

“While the average retail price of galunggong is at P280/kg all-time high, its farm gate value remains P60/kg all-time low, leaving both small fishers and poor consumers at disadvantage,” wika ni Hicap.

Malinaw daw na may manipulasyong nangyayari sa presyo ng poor man’s fish

Loading…