Pope Francis magmimisa para sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas

Image by Pope Francis via Facebook
  • Pope Francis magsasagawa ng misa para sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas
  • Magaganap ang misa sa ika-14 ng Marso at mapapanood via live stream mula Vatican
  • Makakasama sa misa sina Cardinal Luis Antonio Tagle at Cardinal Angelo De Donatis

Pangungunahan ni Pope Francis ang isang misa sa St. Peter’s Basilica sa Italya sa ika-14 ng Marso bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ito ay ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Imahe mula sa Vatican News

Ayon kay Fr. Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Roma, pangungunahan ni Pope Francis ang misa sa ganap na alas-10 ng umaga roon o ika-5 ng hapon sa Pilipinas sa March 14.

Makakasama ng Santo Papa sa misa sina prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Cardinal Luis Antonio Tagle at Pope’s vicar for Rome Cardinal Angelo De Donatis.

Limitado lamang ang maaaring makadalo sa misa dahil sa pandemya, pero mai-stream ang misa mula Vatican para masaksihan pa rin ng mga Katolikong Pilipino sa buong mundo.

Ang misa ay susundan ng tradisyunal na recitation of the Angelus prayer sa St. Peter’s Square sa katanghalian.

Saad pa ni Fr. Gente, “Join us in Rome to pray, praise, and thank God for his gift of the Christian faith. You can also receive blessings from the pope after Mass in Vatican square where he will lead the Angelus prayer at noon.”

Pahayag naman ni Fr. Greg Gaston, rector of the Pontifico Collegio Filipino, sa Teleradyo, inaasahang sa wikang Italyano ang magaganap na misa pero maaaring sa wikang Filipino ang ilang kantang gagamitin.

Imahe mula sa FilCatholic

Matatandaang nagsimulang umusbong ang Kristiyanong pananampalataya Pilipinas nang dalhin ni Ferdinand Magellan ang relihiyon sa bansa noong March 16, 1521.

Inaasahan naman ang pagsisimula ng year-long commemoration para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa April 4, Easter Sunday.

Imahe mula sa Roman Catholic Archdiocese of Manila

Loading…