Pres. Duterte sinabihan si VP Robredo na ito ang mag-shopping ng bakuna; VP Robredo may sagot

Screenshot mula sa RTVM video
  • Hinamon ni Pang. Duterte si VP Robredo na ito na ang bumili ng COVID-19 vaccine sa ibang bansa
  • Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng sinabi ni VP Robredo na dapat idaan sa tamang proseso ang Sinovac vaccine upang matiyak na protektado ang mga health workers
  • May reaksyon si VP Robredo sa naging pahayag ni Pang. Duterte

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President (VP) Leni Robredo na ito ang bumili ng COVID-19 vaccine sa ibang bansa. At kung sakaling may mahanap na bakuna na available ay bibigyan niya ang Bise Presidente ng perang pambili.

Screenshot mula sa RTVM video

Ang naging pahayag ng Pangulo ay kasunod ng sinabi ni VP Robredo sa kanyang radio program na dapat isailalim sa tamang proseso ang Sinovac vaccine para matiyak na mabibigyan ng proteksyon ang mga health workers, lalo na’t walang nakuhang rekomendasyon ang bakuna mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC).

“Ganito na lang, sabihin ko sa ’yo uli kung marunong kang makinig: walang bakuna ngayon available either hingiin mo, nakawin mo, or bayaran mo.  Not only the Philippines, as stated by… earlier binigyan tayo ng worldwide situation ng vaccines… hirap rin sila,” sabi ni Pang. Duterte.

“Ngayon kung gusto mo talaga para mahinto ka, kunin mo ‘yong basket mo, mamalengke ka doon sa labas ng bakuna.  Bigyan kita pera, para kung may mabili ka bilhin mo na agad at umuwi ka dito sa Pilipinas, bigay mo doon sa mga doktor,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa Sinovac Biotech

May reaksyon naman si VP Robredo sa mga sinabi ng Pangulo. Aniya, parang hindi isang pangulo ang nagsasalita.

“Ang unang dating sa akin parang hindi pangulo ang nagsasalita. Pangalawa, sobrang pikon,” sambit ni VP Robredo sa isang panayam.

Screenshot mula sa The Mangahas Interviews video

Aniya, dapat raw na binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagbigay ng suhestyon.

Samantala, sinabi naman ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na sinimulan na ng HTAC ang pag-review sa Sinovac vaccine noong Martes, March 2.

Panoorin ang ibinahaging ulat ng GMA News via YouTube:

Loading…