Proud mom ibinahagi ang kusang-loob na pag-iipon ng anak

  • Ibinahagi ng isang proud mom ang magandang mindset ng kaniyang 7-year-old daughter
  • Hinggil ito sa pag-iipon ng pera
  • Hinimok niya ang mga kapwa magulang na habang bata pa lamang ang mga anak, turuan na silang mag-ipon ng pera para sa kinabukasan

Sabi nga, habang bata pa lamang ang isang tao, turuan na sila ng mga magagandang bagay na kailangan nilang matutunan upang madala hanggang sa kanilang pagtanda. Isa na riyan ang kahalagahan ng pag-iimpok ng pera. Sabi nga sa salawikain, ‘Kapag may isinusuksok, may madurukot.’

Iyan ang hatid na inspirasyon ng isang proud mom matapos niyang ibahagi sa Facebook page na ‘CFO PESO SENSE’ ang naging kusang-loob na pag-iipok ng pera ng kaniyang anak na babae na nagngangalang ‘Skye’ na kaka-7 taong gulang pa lamang noong Enero 28, 2021.

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Dahil nga sa nagdiwang ng kaarawan, marami raw itong natanggap na cash gifts. Nang tanungin nilang mag-asawa kung ano ang gagawin sa mga cash gifts, mabilis daw nitong sinabing “Let’s save it Mommy! Para magkaroon tayo ng big house!”

“We weren’t shocked that she decided to save it. But we are proud that her instinct every time she will have money is to save it, for future,” saad ng proud mom.

Sa pagpapatuloy, “I believe if we start teaching our child/ren to save while they’re still young, they will grow up with that kind of mindset and will pass it on to their children someday.”

“At the age of 3, we opened her 1st bank account at BDO. She also have VUL (insurance with investment) in Sun Life PH. Then in her 7th year, she opened her 2nd bank account at Metrobank this time. Her daddy and I set a goal to have certain amount of savings for our daughter at the end of the year.”

“We’re doing this for 4 years now and I hope we were able to do this at least until she turned 18, that’s our dream debut gift for her.”

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE

Kaya naman may paalala/tips siya sa mga kagaya niyang magulang.

“I am encouraging you parents to start saving and investing early for our child/ren’s future. Being a mom, I know for sure that one of our top priority as a parent is to secure their future. Let’s start early, little by little, for a brighter future.”

“Thank you for reading! I hope you learned a thing or two. May God bless us abundantly.”

Iba talaga kapag nasimulang maayos at maganda ang mindset ng isang tao habang bata pa, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…