PTV iimbestigahan ang paggamit ng #DutertePalpak sa kanilang sariling Twitter post

Imahe mula sa Wikipedia
  • Nagamit ang hashtag na #DutertePalpak sa Twitter post mismo ng PTV
  • Nagpaliwanag naman agad ang PTV tungkol sa insidente at tinanggal na rin ang naturang post
  • Humingi rin ng paumanhin ang istasyon at nangakong iimbestigahan ang nangyari

Nagtataka ang pamunuan ng PTV 4 kung bakit nagamit ang hashtag na #DutertePalpak sa social media post ng kanilang sariling Twitter account.

Ang PTV 4 ay pag-aari at pinangangasiwaan ng gobyerno kaya malabong gumamit ito ng mga hashtag na kritikal sa administrasyon.

Subalit nitong Martes nang gabi ay biglang lumitaw ang post sa Twitter account ng PTV4 na nagsabing “President Rodrigo R. #dutertepalpak  BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.”

Screenshot mula sa Twitter

Ang hashtag #DutertePalpak ay nag-trend sa Twitter kamakailan matapos itong gamitin ng mga netizen na bumabatikos sa naging pahayag ng Pangulo tungkol sa ‘pagmamaliit’ umano nito sa kinakaharap na krisis sa COVID.

Kaagad namang tinanggal ang kontrobersiyal na Twitter post at nagpaliwanag ang PTV tungkol sa insidente.

“At around 7:00 p.m., a post of PTV on Twitter circulated with the wrong hashtag, which was never in the original caption which reads: ‘President Rodrigo R. Duterte reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own,’” ayon sa inilabas na pahayag ng istasyon.

Imahe mula sa Facebook ng PTV

Humingi rin ito ng paumanhin at nangakong iimbestigahan ang insidente.

“PTV is currently investigating the intent behind this malicious post. Our apologies,” wika pa ng PTV.

Nilinaw na ng Palasyo na hindi minamaliit ni Pangulong Duterte ang umiiral na pandemya kung hindi tinitiyak lang nito sa mamamayang Pilipino na malalampasan din natin ang lahat at makababangon din tayo mula sa krisis.

BASAHIN: Palasyo itinangging ‘minaliit’ ng Pangulo ang krisis sa COVID

“Hindi po minamaliit ng Presidente ang ating paghihirap pero ang sinasabi po niya, babangon naman po tayo d’yan, we will heal as one,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang press briefing nitong Lunes.

Loading…