Publiko hinihikayat na mag-voluntary ECQ: “Save lives and do voluntary ECQ”

Image by Tony Leachon MD via Twitter
  • Dr. Tony Leachon, hinihikayat ang publiko na magkaroon ng ECQ mindset
  • Nasabi ito ng health reform advocate dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa
  • May mga suhestiyon si Dr. Leachon na gawin ng mga mamamayan

Hinihikayat ni health reform advocate Dr. Tony Leachon ang publiko na boluntaryong magkaroon ng enhanced community quarantine (ECQ) mindset.

Image by Tony Leachon MD via Twitter

“We don’t need the government to put us on ECQ. We can do it voluntarily. Let’s do it for our healthcare workers, for ourselves, and families,” aniya.

Nasabi ito ni Dr. Leachon dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Five thousand COVID cases and a dangerous uptick evident now. Each Filipino must for himself alone decide what is right and what is wrong, which course is patriotic and which isn’t.”

Saad pa niya, kahit na kasalukuyang naka-general community quarantine ang bansa ay kumilos na parang nasa ECQ sa mga susunod na dalawang linggo o mas matagal pa. “Even if we are on GCQ (general community quarantine), let us act as if we are on ECQ for the next two weeks or longer, that is, stay at home unless extremely necessary.”

Kabilang sa mga suhestiyon ni Dr. Leachon kaugnay sa boluntaryong pag-ECQ ay ang hindi muna pagpunta sa mga bahay sambahan bagkus ay magdasal at mag-reflect online, ‘wag munang pumunta sa mga gyms at recreation facilities kundi sumubok ng mga online programs, huwag pagpunta sa mga salon at barbershop bagkus ay mag-antay o aralin kung papaano ito gagawin sa sarili.

Imahe mula sa Pixabay

Huwag muna, saad pa niya, ang pagkain sa restaurants kundi magpadeliber o magluto sa bahay. Tigil rin daw muna ang mga non-essential travel bagkus ay mag-recover sleep at i-enjoy ang tahanan.

Suhestiyon pa niya, gawin ang mga transactions online, mag-work from home hangga’t maaari, sundin ang health protocols kagaya ng pagsusuot ng mask at pagsa-sanitize, at magkaisa sa panalangin.

Image by Tony Leachon MD via Twitter

Loading…