Publiko pinag-iingat sa mga nagpapanggap na delivery service personnel

Photo from Pixabay
  • DICT pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa nagpapanggap na courier service personnel
  • Pinipilit umano ang mga biktima na magbayad ng package na hindi naman nila inorder
  • DICT: “Together, we can deter these individuals from taking advantage of other people”

Nagpaalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na maging mapagmatyag sa modus ng ilan na nagpapanggap na courier service personnel at pinipilit ang mga biktima na bayaran ang package na hindi naman nila inorder.

Image by DICT via Facebook

Ayon sa DICT, mayroon silang natanggap na ulat na may mga nagpapanggap na delivery personnel ng Private Express and/or Messengerial Delivery Service (PEMEDES) o courier service operators.

“It has been reported to the Department of Information and Communications Technology (DICT) that unscrupulous individuals have been posing as delivery personnel of PEMEDES or courier service operators,” ang mababasa sa FB page ng ahensya.

“In the reported instances, these individuals pretend that a package is being delivered to a recipient on a Cash-On-Delivery (COD) basis, despite the latter not making such purchase. These individuals then insist on payment from the recipient once the package is opened.”

Pinapayuhan nila ang publiko na kapag nakaranas ng ganitong pangyayari ay (1) huwag tanggapin ang package na hindi mo inorder o ng kapamilya, (2) iberipika ang transaction at kontakin ang telepono ng recipient ng package para malaman kung nag-order talaga ito, (3) kung na-order ito ay kaagad na tingnan ang laman nito kung eksaktong ito ba ang inorder.

Photo from Pixabay

Kasama pang gagawin ang (4) kung posible’y i-record ang pagbubukas sa package sapagkat maaaring gamiting ebidensya ang recorded self-video kung mali ang nakapaloob sa package at (5) kumuha ng litrato ng ID o detalye ng delivery personnel para masiguradong lehitimong personnel ito.

Saad pa ng DICT, para sa karagdagang katanungan o nais mag-report ay maaaring kontakin ang kanilang e-mail address na [email protected]

“Together, we can deter these individuals from taking advantage of other people.”

Image by DICT via Facebook

Loading…