Puwede nang mag-withdraw ng cash sa 7-Eleven ATMs

Imahe mula sa 7 Eleven Philippines
  • May banking services na rin sa 7 Eleven
  • Nag-install na ng mga cash-recycling ATMs sa piling branches ng 7 Eleven
  • Puwede nang mag-withdraw ng cash sa mga ATMS ng 7 Eleven
  • Puwede ring mag-deposito sa mga cash-recycling ATMS pero hindi pa available sa ngayon

Lume-level up na ang 7-Eleven. Kung dati-rati ay mga ready-to-eat foods, grocery items at bills payment via CLIQQ ang serbisyong dala nito sa mga customers, ngayon ay mayroon na rin itong mga automated teller machines (ATMs).

Imahe mula sa 7 Eleven Philippines

Kung kailangang mo ng cash pero tinatamad kang magpunta sa bangko sa sa malls para mag-withdraw, nandiyan na sa kalapit na 7-Eleven outlet ang cash-recycling ATMs kung saan puwede nang mag-withdraw.

Ayon sa disclosure sa stock exchange ng Philippine Seven Corp, ang operator ng 7-Eleven sa Pilipinas, hindi bababa sa 321 ATMs ang ilalagay sa loob ng mga outlets sa kalahatian ng 2021.

“Cash-recycling ATMs are standard in Japan because it reduces the need to deliver cash and provides a reliable and convenient experience for receiving deposits,” sabi ni Philippine Seven Corp CEO Jose Victor Paterno.

Sa ngayon, ang BDO Unibank pa lang ang supported ng ATMs na walang sisingiling transaction fees. Tatanggap din ito ng Bancnet transaction na may additional fees na sisingilin ang bangko na nag-isyu ng ATM card.

Puwede ring mag-deposito ng cash sa cash-recycling ATMS pero hindi pa ngayon.

“Our unique cash-recycling ATMs can do deposits too. Though this would be available inthe future,” post ng 7 Eleven Philippine sa Facebook page nito

Imahe mula sa 7 Eleven Philippines

Sa ngayon ay sa mga piling 7 Eleven outlets pa lang sa Pasig City, Mandaluyong City at San Juan City mayroong cash-recycling ATMS.

Narito ang listahan ng mga 7 Eleven na mayroon nang ATMs:

Imahe mula sa 7 Eleven Philippines
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…