QC magbibigay ng incentive sa mga pulis na mahigpit na magpapatupad ng COVID protocols

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Magbibigay ng incentive ang QC gov’t sa mga pulis na mahigpit na magpapatupad ng protocol
  • Naglabas na ng memorandum si Mayor Belmonte tungkol dito
  • Ito ay sa gitna ng pagtaas ng bilang ng may COVID sa lungsod

Magbibigay ng pabuya ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa mga officers na magpapatupad ng mas pinaigting na health protocol bilang hakbang upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Sa press release na inilabas ng QC government, nasasaad dito na nag-isyu na ng memorandum si Mayor Joy Belmonte para sa nabanggit na insentibo.

“Mayor Joy Belmonte issued a memorandum forming an incentive system that will recognize the policemen’s efforts in ensuring the implementation of minimum health standards in the city, specifically in public transportations, commercial establishments, and special concern lockdown areas in the city,” ayon sa press release.

QC Mayor Joy Belmonte} Imahe mula sa Facebook

Umaasa si Belmonte na ang kanilang naisip na paraan ay makatutulong upang mas higpitan pa ng kapulisan ang pagbabantay sa 142 barangay ng lungsod.

“The city government will be enforcing a stricter monitoring of the implementation of health protocols with the help of QCPD led by PBGen Danilo Macerin. And to further encourage our 16 police stations in our enforcement, we will be initiating a non-cash, outputs-based incentive system for them,” wika ni Mayor Belmonte.

“We hope that through these incentive, maaasahan natin ‘yung puspusang pagsisiguro na nasusunod ang health protocols ng lungsod para at least mabawasan ang transmission o hawaan ng covid sa ating mga komunidad,” dagdag pa ng alkalde.

Imahe mula sa Manila Bulletin

Kabilang sa mga gagawing hakbang ay mas pinaigting na foot patrols ng kapulisan sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown, mga barangay na may mataas na kaso ng COVID, mga lugar-tambayan tulad ng mga terminals,  footbridges, commercial establishments, pasilidad ng gobyerno, at mga lugar sambahan.

Kailangan ding mag-submit ng daily report ang bawat presinto kung saan nasasaad dito ang bilang ng ordinance violation receipt (OVR) na kanilang na-isyu, tatlong madalas na violations at mga lugar kung saan laganap ang paglabag sa protocol.

Ito ay susuriin ng Department of Public Order and Safety at saka ipadadala sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na siya namang magbibigay ng rekomendasyon kung saang lugar ang dapat tutukan.

Loading…