Rare Kobe Bryant rookie card naibenta ng halos $1.8 million sa auction

Imahemula sa Kickerdaily
  • Isang rare rookie card ni Kobe Bryant ang naibenta sa auction sa halagang $1,795,800
  • Noong March 2016, ang eksaktong kopya ng Kobe Bryant rookie card ay naibenta sa eBay sa halagang $58,100
  • Ang naturang Kobe Bryant rookie card ay itinuturing na “one of the rarest in existence”, ayon sa Goldin Auctions

Nabili sa halagang halos $18 million ang Kobe Bryant rookie card na itinuturing na “one of the rarest in existence”, ayon sa Goldin Auctions.

Imahe mula sa Goldin Auctions

Hindi nito pinangalanan ang buyer na nagbayad ng $1, 795, 800 para sa 1996-97 Topps Chrome Refractors Kobe Bryant noong Sabado, March 6.

“Final Sale Price: $1,795, 800. An all-time record for any Kobe Bryant card,” post ng Goldin Auctions sa Twitter.

Noong March 2016, ang eksaktong kopya ng Kobe Bryant rookie card ay naibenta sa eBay sa halagang $58,100.

Sinabi ng auction house na ang naturang Kobe Bryant rookie card ay isa lang sa dalawa sa buong mundo na kinukonsidera na nasa “black label pristine condition. Iyon ang pinakamahal na Kobe Bryant card na naibenta.

“The fact that it sold for the final auction price of $1.795 million, the all-time record for any Kobe Bryant card, speaks to just how beloved he was around the world,” sabi ng Goldin Auctions founder na si Ken Goldin.

Imahe mula sa Goldin Auctions

Ang Basketball rookie cards, na kadalasang pinagnanasaan ng mga kolektor, ay mga trading cards na unang nagtampok sa isang atleta matapos niyang maabot ang professional ranks.

Sa edad na 41, si Kobe Bryant ay nasawi sa isang helicopter crash noong January 2020 kasama ang isa sa mga anak niya na si Gianna, 13 anyos, at pitong iba pa.

Isinisisi ng mga awtoridad ang kalunos-lunos na pangyayari sa maling desisyon ng piloto.

Imahe mula sa Buzzooks

Loading…