Reaksyon sa Gabby-Sanya: Sharon sinabing mayroon din siyang batang ka-love team

Image by Sharon Cuneta via Instagram
  • First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez mapapanood simula March 15 sa GMA Telebabad
  • Sharon Cuneta, mayroon ding mas batang ka-love team sa katauhan ni Marco Gumabao
  • “Kala mo ikaw lang may batang partner ha?!” ani Sharon sa Instagram

Hindi lamang si Gabby Concepcion ang mayroong batang ka-loveteam dahil maging si Sharon Cuneta ay mayroon din.

Image by Sharon Cuneta via Instagram

Sa kanyang IG account ay nag-post ang Mega Star ng side by side photos kung saan makikita sina Gabby at Sanya Lopez na bida sa upcoming GMA soap na First Yaya. Sa kabilang side naman ay ang larawan niya kasama si Marco Gumabao.

“And you, Kitina’s Papi! Kala mo ikaw lang may batang partner ha?! Game ka na ba?! @concepciongabby. Ako walang kaproble-problema. You na lang,” anang pamosong mang-aawit sa kanyang post na mayroon nang tinatayang 18,000 reaksyon.

Kasalukuyan kasing nagfi-film si Sharon kasama si Marco para sa isang movie project. Sa isa pa niyang post ay pinapapili pa niya ang kanyang mga tagahanga kung ano ang bet nilang ipangalan sa tambalan nila ni Marco, kung #CuBao ba o #MaRon?

“Yes we call each other “Pawi.” You’ll have to watch the movie to find out why though! @gumabaomarco @direkdaryllyap #revirginized #vivamax,” aniya.

Matatandaang naging sobrang sikat noon ng love team nina Sharon at Gabby, na nagsimula sa pagsasama sa pelikulang “Dear Heart” noong 1981. Humantong pa sa kasalan sa Manila Cathedral ang pag-iibigan ng dalawa.

First Yaya

Nasabi ni Sanya sa press conference para sa First Yaya na hindi mahirap ang maka-connect kay Gabby yamang sobrang malambing at gentleman ng aktor na nagluto pa para sa cast sa kanilang lock-in taping.

Image by Sanya Lopez via Instagram

“Sino ba naman ang hindi mahuhulog kapag ganon ang kasama mo? Si Kuya Gabby, tatayo pa lang ‘yan very presidentiable na, tapos ang gwapo. So ‘yon lang ang isa sa mga characteristics na mga nakikita ko,” sabi ni Sanya.

Sabi naman ni Gabby, napakasimple ni Sanya, mabait, kalog at health conscious kaya madaling ma-in love ang kahit na sino sa kanya.

Mapapanood ang First Yaya simula March 15, 2021, sa GMA Telebabad.

Image by Sanya Lopez via Instagram

Tara na’t silipin ang trailer:

Loading…