Reclamation sa Manila Bay para sa Manila Solar City project aprubado na

Imahe mula sa Manila Solar City
  • Inaprubahan ng Malacañang ang reclamation project sa Manila Bay na Manila Solar City
  • Itatampok sa 148-hectare project ang mga teknolohiya ng isang smart city
  • Nag-isyu na ang Philippine Reclamation Authority ng notice to mobilize at notice to commence actual reclamation works

Nag-isyu na ang Philippine Reclamation Authority (PRA) ng notice to mobilize (NTM) at notice to commence actual reclamation works (NTCARW) sa Manila Goldcoast Development Corp. (MGDC) para sa proyekto nitong Manila Solar City.

Imahe mula sa Manila Solar City

Sa inilabas na resolusyon noong nakaraang February 22, ang governing board ng PRA ay naglabas ng NTM at NTCARW para sa 148 ektaryang proyekto kung saan itatampok ang mga teknolohiya ng isang smart city tulad ng sustainable power generation, large scale water treatment and storm water recycling, urban agriculture and aquaculture at maging disaster resilience.

Sinabi ng PRA na nakatanggap ito ng isang memorandum galing kay Executive Secretary Salvador Medialdea noong February 18 na nagsasabing hindi tumutol ang Office of the President sa pag-isyu ng NTM at NTCARW para sa pagsisimula ng ambisyosong proyekto.

“Please be informed that the Office of the President interposes no objection in the grant of NTM and NTCARW for the Manila Solar City project, subject to compliance with applicable laws, rules and regulations,” saad ng memorandum ni Sec. Medialdea.

Imahe mula sa Manila Solar City

Ang Manila Solar City ay joint venture project ng MGDC at ng Manila City government.

Nakikini-kinita na ang proyekto ay isang modern smart city na makapagbibigay ng maraming trabaho at kita para sa gobyerno.

Ang reklamasyon sa Manila Bay ay gagawin sa tabi ng Cultural Center of the Philippines Complex at sa likurang bahagi naman ng Manila Yatch Club at headquarters ng Philippine Navy .

Imahe mula sa Manila Solar City

Ang MGDC ay bahagi ng Solar Group of companies ng Tieng Family na ang mga negosyo ay nasa larangan ng entertainment, satellite communications, at property landbanking and development.

Loading…