‘Refund mechanism’ kapag nasira ang internet isinusulong ng panukalang batas ni Sen. Lapid

Imahe mula sa imoney.ph
  • Pinagagawa ng ‘refund mechanism’ ang mga telco para sa mga araw na nasira ang internet
  • Maaari ito bilang refund credit o bill adjustment sa mga apektadong subscribers
  • Kailangan ay automatic din itong ibibigay at hindi na kailangan pa ang aksiyon mula sa csutomer

Pinagagawa ang mga telcos ng isang ‘refund scheme mechanism’ para sa mga subscribers upang makapag-reimburse ang huli sa mga araw na nasira ang kanilang internet service sang-ayon sa isinusulong na panukalang batas ni Senador Lito Lapid.

Nitong Martes, ipinasa ni Lapid ang Senate Bill No. 2092 para amyendahan ang Republic Act No. 7925 o Public Telecommunications Policy of the Philippines upang tugunan ang layuning ito.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Lito Lapid

Nais ng panukala ng senador na tiyakin ng mga telcos na makakapag-reimburse ang sinumang subscriber na nakaranas ng “service outage or disruption for an aggregate period of 24 hours or more within a month.”

“For an Internet-dependent, data-driven world where almost all aspects of our daily life rely on being ‘online’ and ‘connected,’ service outages, disruptions and interruptions cause discomfort, lost opportunities, or worse, lost profits and income,” ayon sa explanatory note ni Lapid.

Wika pa ng mambabatas, ang mga outages ng internet ay madalas na nangyayari sa buong bansa at maging sa kanilang mga Senate hearing. Katunayan umano, base sa data na kanilang nakalap, umaabot sa 50 outages kada araw ang naiuulat ng internet service providers (ISPs) sa bansa.

Subalit sa kabila nito, buo pa rin ang monthly bill na binabayaran ng mga subscribers sa isang buwan dahil walang adjustments o refund para sa mga pangyayaring ito.

“[T]hey are paying for a service that they have not enjoyed or used for hours, if not, even days through no fault on their part,” ayon pa sa senador.

Imahe mula sa ElectronicsB2B

Simple lang umano ang prinsipsyo sa likod ng panukalang ito – “that there is no unjust enrichment on the part of big businesses to the prejudice of consumers,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng panukalang batas, kinakailangang magbigay ang mga telcos at ISPs ng refund credit o bill adjustment sa pamamagitan ng pro-rated calculations sa mga apketadong customer.

Ito ay kailangang automatic na ibibigay sa mga customer na hindi na kailangan pa ng karagdagang aksiyon o inisyatibo mula sa kanila.

Hindi raw dapat maglabas ng pera, kahit na isang sentimo, ang mga konsyumer sa serbisyong hindi naman nila natanggap o napakinabangan.

Loading…