Reseta sa lolang nabakunahan na kontra COVID-19: “You are allowed to hug your granddaughter”

Screenshot mula sa video ni Jessica Shaw
  • Fully vaccinated na kontra sa COVID-19 ang isang lola sa New York pero takot pa rin siyang lumapit sa mga kaanak
  • Nagtungo ang apo ng matanda sa doktor at sinabing ayaw siyang yakapin ng kanyang lola dahil may kaba pa rin itong nararamdaman sa coronavirus
  • Nagbigay ng reseta ang doktor na ang nakasaad ay, “you are allowed to hug your granddaughter”

Isang lola na naninirahan sa Bronx, New York na nabigyan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine ay niresetahan ng kanyang doktor. Nakasulat sa reseta na maaari na niyang yakapin ang kanyang apo.

Screenshot mula sa video ni Jessica Shaw

“You are allowed to hug your granddaughter,” saad sa prescription ng doktor ng lolang si Evelyn Shaw.

Bago iyon, naging malungkot para kay Evelyn Shaw ang nagdaang taon dahil hindi niya mayakap o makita ang mga kapamilya dahil sa pandemya. Mag-isa lang siyang naninirahan sa kanyang apartment sa Bronx.

Kuwento ng anak niyang si Laura Shaw Frank, sanay ang pamilya nila na laging magkakasama.

“She would come for dinner. She would sit on the couch with one grandchild on each side and the other two hovering over her and loving her and just spending so much time with her,” aniya.

Nabago ang lahat nang magpatupad ng social distancing dahil sa health crisis. Pinayuhan ang mga senior citizens tulad ni Evelyn na mag-ingat dahil mataas ang risk nila na magkaroon ng severe illness mula sa coronavirus.

“It was very hard knowing that she was all alone in her apartment, day in and day out, never seeing anyone, never hugging anyone, never touching anyone,” sabi ng unang apo niyang si Ataret Frank.

Screenshot mula sa video ni Jessica Shaw

Fully vaccinated na si Ataret at maging ang lola niyang si Evelyn, pero may takot pa rin ang matanda sa banta ng virus.

Nagtungo si Ataret sa doktor ng lola niya at sinabing ayaw siyang yakapin ng matanda dahil may takot pa rin itong nararamdaman.

Sinabi ng doktor kay Ataret na reresetahan niya ang lolang si Evelyn. Isinulat nga nito sa reseta na maaari nang yakapin ni Evelyn ang kanyang apo.

Dala ang reseta ay binisita ni Ataret ang kanyang lola at sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng nagdaang taon ay muling nagyakap ang mag-lola.

Screenshot mula sa video ni Jessica Shaw

“It was wonderful, and it was something I’m going to remember for the rest my life. I want to thank the doctor for writing this prescription,” sambit ni lola Evelyn.

Sinabi naman ng ina ni Ataret na si Laura Shaw Frank na ang ginawa ng doktor ng kanyang ina ay isang “medical care from the heart.”

Source :

CNN

Loading…