Resort at guests na nagsagawa ng foam party fashion show sa Bohol pananagutin

Screenshot mula sa GMA video
  • Lumabag sa health at safety protocols ang isang resort at mga guests sa Panglao, Bohol
  • Kitang-kita sa video na nagkukumpulan ang mga guests habang nagsasayawan sa gitna ng foam party at bikini fashion show
  • Pananagutin ng alkalde ang resort at mga guests sa ginawang paglabag

Nilabag ng isang resort sa Panglao, Bohol ang COVID-19 saftey protocols nang magsagawa doon ang mga guests nito ng foam party at bikini fashion show.

Imahe mula sa Bohol Chronicle

Kitang-kita sa video na ibinahagi ng GMA Regional TV Balitang Bisdak ang nagkukumpulang mga tao na nagsisipagsayawan sa saliw ng malakas na tugtog habang “umuulan” ng foam sa kalagitnaan ng fashion show.

Aminado si Mayor Leonila Montero na may paglabag na kailangang panagutan ng resort at ng mga guests.

“Ang ordinance natin sa first violation is warning. Mayroon pa tayong in-writing last Monday. May penalties each violator at sa resort, hindi natin bibigyan ng permit,” pahayag ng alkalde.

Agad naman na humingi ng dispensa ang resort, subalit iginiit ng alkalde na kailangan nang kumuha muna ng permit ang resort kung may planong magsagawa ng party o events.

Bukod pa roon, required na ang presensya ng kapulisan at municipal health officers kapag may mga events na gagawin upang matiyak na masunod ang mga health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, sinabi ni Bohol Governor Arthur Yap na dapat maghain si Mayor Montero ng cease and desist order laban sa resort. Hiniling niya rin sa PNP na magsagawa ng imbestigasyon.

Screenshot mula sa video ng Bohol Chronicle

Para matiyak ang kaligtasan ng Bohol, hinimok ni Gov. Yap ang lahat na sundin ang health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

“The Provincial Government asks everyone to uphold the rule of law, exercise moral uprightness, and maintain decency at all times and at all costs amid our battle against the COVID19 pandemic,” aniya.

Source :

YouTube, GMA

Loading…