Roque kay Robredo: “Kung kami po ay laging handa, mayroon pong laging mali”

Imahe mula sa Panay News/ABS-CBN News
  • Muling pinasaringan ni Sec. Harry Roque si Vice President Leni Robredo
  • Ito ay tungkol naman sa usapin ng bakuna na kailangan dumaan sa pagsusuri HTAC
  • Ani Roque, kung si Duterte ay ‘laging handa’, si Robredo ay ‘laging mali’

Muli na namang pinasaringan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Vice President Leni RObredo at sa pagkakataong ito ay tungkol sa usapin ng Sinovac vaccine.

Noong isang araw ay nabanggit kasi ni Robredo na kailangang dumaan sa pagsusuri ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang Sinovac kahit pa ito ay donasyon lamang. Ito ay para na rin daw sa kaligtasan ng mga Pilipinong mababakunahan nito.

“Hindi ko naman sinasabing masama ‘yung Sinovac. Ang sinasabi ko lang mag-go through naman sana sa proseso para siguradong protected tayo,” ayon pa sa Bise Presidente.

Imahe mula sa PNA

Subalit paliwanag ni Roque, hindi naman talaga kaliangang dumaan sa HTAC ang bakuna, ayon sa Universal Health Care law na nagkataong isa siya sa mga nagsulong sa Kamara noong 17th Congress.

“So just for the information of VP Leni, babasahin ko na po ‘yong probisyon ng batas — batas Section 34 of the Universal Health Care ‘no: “The health technology assessment shall be institutionalized as a fair and transparent priority setting mechanism that shall be recommendatory to the DOH and PhilHealth,” paliwanag ng kalihim.

“So hindi po totoo na ang sinasabi niya na requirement po ng Universal Health Care na mandatory daw,” dagdag pa nito.

At dahil nga ito umano ang nakasaad sa batas, mali na naman daw dito ang Pangalawang Pangulo.

Imahe lmula sa Facebook account ni VP Leni Robredo

“Mali na naman po si VP Leni at kung sinoman ang kaniyang naging adviser. Kung kami po ay laging handa, mayroon pong mga laging mali,” pasaring pa ni Roque.

Nakiusap rin si Roque kay Robredo na isantabi na muna ang pulitika sa gitna ng umiiral na pandemiya dahil may panahon naman umano para sa eleksiyon kung kailan huhusgahan ng taong-bayan ang mga tatakbo.

“Nagkataon lang po talaga na kung ang presidente ay laging handa, ang vice president, laging mali. Ganoon lang po ‘yon,” wika pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Loading…