Roque may patama kay Mar: “Can you really imagine a Roxas leading this country?”

Imahe mula sa Panay News
  • Pinasaringan ni Harry Roque si Mar Roxas sa isang panayam kamakailan
  • Ani Roque, ‘di niya kayang ma-imagine ang isang Roxas na presidente
  • Binanggit din ni Roque ang naging track record ni Roxas sa Yolanda at Mamasapano

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi niya umano kayang isipin kung ano ang mangyayari sa bansa kung si Mar Roxas ang naging presidente, lalo na ngayong nahaharap sa krisis ang Pilipinas.

Sa panayam ni Luchi Cruz Valdez ng TV5 kay Roque, nabanggit ng kalihim ang diumano’y ‘track record’ ni Roxas noong panahon ng bagyong Yolanda at Mamasapano sa Maguindanao.

Imahe mula sa DILG

“Can you really imagine a Roxas leading this country amidst the many trials we have had? From COVID-19 pandemic to China,” tuwirang pahayag ni Roque sa “Deretsahan”.

“Hindi ko maisip kung Mar Roxas became president, knowing ‘yung mga track record niya sa mga pagsubok sa Yolanda tsaka doon sa Mamasapano,” dagdag pa ng kalihim.

Ang dalawang nabanggit na insidente ay nangyari noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan nanilbihan si Roxas bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Bago pa man nabanggit ni Roque si Roxas ay pinuri ng tagapagsalita ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala raw itong kaplastikan. Ito daw ang uri ng lider na kailangan ng bansa ngayon.

Imahe mula kay Harry Roque

“His heart is where it should be. The Duterte influence is binigyan niya ng premium ‘yung authenticity. Walang kaplastikan. I think he is the President we need right now,” ani Roque.

Si Roxas ay kumandidato sa pagka-pangulo noong 2016 bilang panlaban ng administrasyon subalit natalo kay Duterte na nakukuha ng mahigit 16 milyong boto.

Loading…