Roque sa COVID response ng gobyerno: “We were excellent”

Screenshot mula sa RTVM facebook video
  • Ipinagmalaki ni Roque ang naging hakbang ng gobyerno para makontrol ang pandemya
  • ‘Excellent’ umano ang aksiyon ng pamahalaan para pamahalaan ang COVID response
  • Marami rin umanong natutunan ang gobyerno mula sa hinaharap na krisis

Halos isang taon simula nang ipatupad ang lcokdown, ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang maayos na hakbang at naging aksiyon ng pamahalaan para makontrol ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Kung ikukumpara umano sa mas mayayaman at mauunlad na bansa, maituturing na ‘excellent’ ang pamamahala ng gobyerno kahit pa marami rin ang hindi pinalad na makaligtas sa virus.

Imahe mula sa Inquirer

“We were excellent. Na-control po natin ang pagkalat ng sakit, lalong-lalo na kung ikukumpara tayo sa mas mayayaman at mga bansa na mas mararami at mas moderno ang mga ospital,” ani Roque sa kaniyang regular na virtual presser nitong Lunes.

Pinagpaliwanag naman ang kalihim kung paanong masasabing ‘excellent’ ang aksiyon ng gobyerno gayung maraming binawian ng buhay at nawalan ng trabaho nitong pandemya.

Subalit giit ni Roque, “We were excellent in managing it. Unfortunately habang walang bakuna, talagang maraming mahahawa at meron pa rin mamamatay. But we had limited deaths to around 12,000.”

Kumpara umano sa Estados Unidos, na isang mayamang bansa, mahigit kalahating milyon na doon ang napaulat na hindi na gumaling sa sakit.

Screenshot mula sa RTVM video

Katunayan umano tumaas ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansang may maayos na COVID response, bagamat wala tayo sa Top 20 o Top 25.

“So we did a very good job. Even as author of the Universal Health Care [Law], kulang na kulang po talaga ang ating mga health facilities at kulang yung pondo na binubuhos natin para sa health sector,” paliwanga pa ni Roque.

Inamin din ng opisyal na may mga bagay na kailangan pa talagang pagbutihin lalo na pagdating sa contact tracing.

Sa kabila nito, nadagdagan naman umano ang bilang ng mga isolation facilities sa bansa at marami ring natutunan sa mga ospital kung paano gagamutin nang maayos ang isang pasyenteng may COVID-19.

Loading…