Roque sa mga batikos ni De Lima: “Dementia na ‘yan dahil sa kanyang pagkakakulong”

Imahe mula sa Panay News/ DW
  • Posibleng may ‘dementia’ na raw si Senador Leila De Lima, ayon kay Sec. Roque
  • Binatikos kasi ng nakakulong na mambabatas ang pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa COVID pandemic
  • Ito ay matapos muling pasaringan ni Pangulong Duterte si De Lima

Posible raw na may ‘dementia’ na si Senador Leila De Lima, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos ang batikos ng nakakulong na mambabatas sa pagkukulang umano ng gobyerno sa pagtugon sa krisis.

Sa kaniyang regular na press briefing nitong Biyernes, pinasaringan ni Roque si De Lima na umalma sa binitawang salita ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Screenshot mula sa Leilaya video

“Siguro po dementia na po ‘yan dahil sa kanyang pagkakakulong. ‘Yung inutang po natin para sa bakuna, hindi po natin nakukuhang cash ‘yun,” paliwanag ni Roque.

Giit pa ng kalihim, ang mga inutang din natin sa mga multi-lateral lending agencies ay direktang napupunta sa mga manufacturers ng bakuna. At kaya hindi pa natatanggap ng mga manufacturers ang pera ay dahil wala pa silang supply.

Magugunitang sinagot ni De Lima ang panibagong kritisismo sa kaniya ng Pangulo.

Imahe mula kay Harry Roque

“Kulang-kulang ang bakuna kahit bilyon-bilyon ang inutang, ako pa ang bitch? Sa dami ng namamatay sa COVID at EJK, ako pang pinakulong na nga niya, ang nasa utak pa rin niya?” ani De Lima sa kaniyang Twitter.

Nasaan ka bakuna?

Samantala, pinasinungalingan naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez ang alegasyon ni Senador Panfilo Lacson na umabot na sa P126.75-B ang utang ng Pilipinas subalit wala pa tayong natatanggap na bakuna.

Paliwanag ni Galvez, nasa P1.3-B lamang ng loan ang talagang nakalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Screenshot mula sa Twitter

Dagdag pa ng kalihim, mahigpit ang patakaran ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) pagdating sa pagbili ng bakuna ng alin mang bansa.

Halimbawa na umano rito ang plano ng Pilipinas na bumili 13 milyong doses ng Moderna’s vaccine na ngayon ay nakasalang pa para sa evaluation ng WB.

Loading…