San Agustin Church sa Intramuros, naka-lockdown matapos masawi sa COVID-19 ang parish priest

Imahe mula sa PNA
  • Kasalukuyang naka-lockdown ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila
  • Hindi nakaligtas sa COVID-19 ang parish priest nitong si Fr. Arnold Sta. Maria Canoza
  • Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region at mga karatig-probinsya nito

Isinailalim sa lockdown ang San Agustin Church sa Intramuros, Manila nang sinawimpalad  ang parish priest nito dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa San Agustin Church

Sa pahayag ng Augustinian Vicariate of the Orient, sinabi nila na sumakabilang-buhay ang 45 anyos na si Fr. Arnold Sta. Maria Canoza ngayong Linggo matapos tamaan ng COVID-19.

“It is with a heavy heart that we inform you that, according to the report of the Local Prior of Convento de San Agustin – Intramuros, R.P.FR. ARNOLD STA. MARIA CAÑOZA, OSA… PASSED AWAY due to COVID-19 on 21 March 2021,” pahayag nila.

“He first professed his vows on 01 June 2006 and made his solemn profession on 5 February 2011,” dagdag pa nila.

“We commend him to your prayers and request the celebration of masses for his eternal rest.”

Imahe mula sa Facebook | Augustinian Vicariate of the Orient

Kinumpirma rin nila na sasailalim sa lockdown ang San Agustin Church bilang pagsunod sa protocol.

“San Agustin Church and Convento de San Agustin Intramuros will be on lockdown starting today. Access to the church and convent will be restricted, and operations at the Parish Office will also be suspended until further notice,” pahayag nila.

Samantala, inanunsyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa General Community Quarantine (GCQ) dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ilalim ng GCQ ay muling ipinagbabawal ang mass gatherings, kabilang na ang religious gatherings. “Holding of weddings, baptisms, and funeral services shall be limited to 10 persons.”

Loading…