San Juan City Mayor Francis Zamora positibo sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Mayor Francis Zamora
  • Positibo sa COVID-19 si San Juan City Mayor Francis Zamora
  • Nagpositibo siya sa routine test na isinagawa noong Pebrero 28 kaya naman sumailalim siya sa confirmatory test na positibo rin ang result
  • Asymptomatic naman siya at kasalukuyang naka-quarantine sa Cardinal Santos Medical Center

Kinumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nag-positibo siya sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Francis Zamora

Sa isang pahayag ay sinabi ni Zamora na positibo ang resulta ng routine swab test na ginawa sa kaniya noong Pebrero 28. “I would like to announce that I have tested positive for COVID-19. My results came out today after a routine swab test yesterday evening, February 28, 2021,” sabi niya.

Sumailalim raw siya sa confirmatory test na positibo rin ang naging resulta.

Ani Zamora, maayos naman ang kaniyang kalagayan at walang nararanasang sintomas ng COVID-19. Sumasailalim siya ngayon sa quarantine upang hindi makahawa ng virus lalo na cancer survivor ang kaniyang asawang si Keri Zamora.

“I have decided to quarantine myself at the Cardinal Santos Medical Center to ensure that I do not transmit the virus to anyone else in the community and to protect everyone around me including my children and my wife who is a cancer survivor,” sabi pa niya.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Francis Zamora

Pinaalalahanan niya rin ang mga nakasalamuha niya sa mga nakalipas na araw na sumailalim sa swab test. “To everyone that I have come in contact with in the past few days, kindly have yourself tested. We can arrange for a free RT-PCR swab test for you.”

Sa mga nakasalamuha ni Mayor Zamora na nais sumailalim sa swab test, maaaring makipag-ugnayan kay San Juan City Health officer Dra. Rosalie Sto. Domingo Lunes hanggang Biyernes, 8.a. hanggang 5 p.m. at magtungo sa COVID-19 Operations Center sa San Juan City Hall.

“I am very sorry for the inconvenience. Please stay safe. Thank you very much,” pagtatapos niya.

Source :

Facebook

Loading…