San Miguel Corp. sisimulan na ang Pasig River cleanup, rehabilitation sa Abril

Imahe mula sa DZRH News
  • Sisimulan na ng SMC sa Abril ang paglilinis ng Pasig RIver
  • Bahagi ito ng Pasig Rever Expressway (PAREX) na gagawin din ng SMC
  • Layunin ng SMC na magtanggal ng nasa 600,000 tonelada ng basura kada taon sa susunod na 5 taon

Sisimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) sa susunod na buwan ang paglilinis at rehabilitasyon ng Pasig River bilang bahagi ng P95.40-B project na Pasig River Expressway (PAREX).

BASAHIN: Pagkatapos ng Skyway 3, SMC sisimulan naman ang Pasig River Expressway

Sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), layunin ng SMC na magtanggal ng nasa 50,000 tonelada ng basura kada buwan o 600,000 tonelada kada taon sa susunod na limang taon.

Screenshot mula sa Facebook-RSA

Ayon kay SMC president at COO Ramon S. Ang, sisimulan na nila ito ngayong Abril at sa katunayan umano ay dumating na ang dalawang dredging equipment na gagamitin para sa proyekto.

“Through the years, Pasig River has become narrower and shallower because of accumulated silt and waste. By cleaning and widening it, we will be able to increase its capacity to keep water flowing within its banks especially during heavy rains,” ani Ang sa isang pahayag nitong Lunes.

BASAHIN: Muling pagbuhay sa ilog Pasig bahagi ng Pasig River Expressway project ng SMC

Napag-aralan na rin ng SMC ang ilang mababaw na lugar na halos isang metro na lamang ang lalim ng tubig, at ito ang mga kritikal na bahagi na siyang dahilan ng madalas na pagbaha ng ilog.

Upang maging epektibong daanan ng tubig palabas ng Manila Bay, kailangang ang lalim ng Pasig River ay hindi bababa sa 10 metro, ayon kay Ang.

Imahe mula sa SMC

“But garbage and silt over the many decades have reduced this to just one meter in these areas, clogging the river and causing water to overflow everywhere,” paliwanag ng SMC boss.

Hiniling rin ni Ang ang tulong at kooperasyon ng publiko upang maisakatuparan ang layuning ito na matagal nang pinag-aaralan subalit hindi maisakatuparan nang maayos.

“With this, we hope to be able to restore the river’s optimal depth and its natural flow. But for this to work, we will need everyone to do their part. I am confident that together we can change the world for the better,” pahayag pa ni Ang.

Loading…