Sea slug naihihiwalay ang ulo sa katawan para magpatubo ng bagong katawan

Imahe mula kay Sayaka Mitoh
  • Nadiskubre ng dalawang Japanese researchers na kayang ihiwalay ng sea slug ang ulo mula sa katawan nito at magpatubo ng bagong katawan
  • Sa palagay ng researchers, iyon ang paraan ng sea slug upang maidispatsa ang lumang katawan na may mga parasites
  • Umaasa ang mga scientists na ang nadiskubreng ito ay makatutulong sa mga pag-aaral tungkol sa regeneration at marahil sa hinaharap ay magagamit iyon sa human medicine

Abala noon ang Ph.D. student sa Nara Women’s University sa Japan na si Sayaka Mitoh sa mga pangkaraniwang ginagawa sa laboratoryo ng scientist na si Yoichi Yusa nang may napansin siyang kakaiba. Si Mitoh at Yusa ay nag-aalaga ng mga sea slugs, mula itlog hanggang sa lumaki,  upang pag-aralan ang mga katangian at kalikasan ng mga ito.

Imahe mula kay Sayaka Mitoh

Habang inoobserbahan ni Mitoh ang mga pinalalaking sea slugs, napansin niya ang isa sa mga iyon ay wala nang ulo.

“I thought the poor slug would die soon,” aniya.

Pero laking gulat niya nang mapansin  na gumagalaw ang ulo na nahiwalay sa katawan nito at patuloy na nanginginain ng mga lumot na parang walang anumang nangyari.

Sa loob ng 24 oras ay naghilom agad ang sugat sa bandang leeg ng sea slug at nakapagpatubo ng bagong puso matapos ang ilang araw. Matapos pa ang tatlong linggo ay mayroon na iyong bagong katawan.

“We were surprised to see the head moving just after autonomy. We thought that it would die soon without a heart and other important organs, but we were surprised again to find that it regenerated the whole body. And it only took three weeks to do so,” sabi ni Mitoh.

Imahe mula kay Sayaka Mitoh

Ang “autonomy” na binanggit niya ay ang term na ginagamit ng mga biologists sa “self-amputation” ng ilang uri ng mga hayop tulad ng mga butiki at salamander na kusang natatanggal ang buntot upang makatakas mula sa predator. Ang naputol na buntot ay muling tumutubo.

Ayon kay Mito at Yusa, ang self-amputation ng sea slug ay hindi defense mechanism kontra sa mga predators. Iyon daw ang paraan ng mga ito para maidispatsa ang katawan na may mga parasites.

“We think that this is the most extreme case of autotomy. Some animals can autotomize their legs or appendages or tails, but no other animal shed their whole body,” wika ni Yusa.

Imahe mula kay Sayaka Mitoh

Umaasa ang mga scientists na ang nadiskubre ng dalawang Japanese scientists ay makatutulong sa mga pag-aaral tungkol sa regeneration at marahil sa hinaharap ay magagamit iyon sa human medicine.

 

Source :

Arstechnica, GMA

Loading…