Sec. Martin Andanar nagbigay ng munting virtual tour sa Malacañang

Screenshot mula sa video ni Sec. Martin Andanar
  • Ipinasilip ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang ilang bahagi ng Malacañang
  • Nagmistulang isang mini virtual tour ang ginawa ng kalihim
  • Ipinakita niya sa video ang Palace fountain at ang Balete tree na idineklarang heritage tree noong May 2011
  • Kinunan rin niya ng video ang grand staircase patungo sa Reception Hall ng Palasyo

Ipinasilip ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang ilang bahagi ng Malacañang, ang official residence ng Pangulo ng Pilipinas.

Imahe mula sa Instagram account ni Sec. Martin Andanar

Ginawa ni Sec. Andanar ang munting virtual tour noong March 3, 2021 nang ipatawag sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo para sa 53rd Cabinet meeting. Ibinahagi ng kalihim ang video sa Instagram account niya.

Unang “ipinasyal” ng kalihim ang mga viewers sa hardin ng Palasyo.

Makikita sa video ang naiilawang fountain sa Palace State Entrance; kalapit nito ang puno ng Balete na sinabitan din ng mga pailaw. Bahagya pang umikot si Sec. Andanar sa naturang puno.

Ang mahigit isandaang taon nang Balete tree ay idineklara bilang heritage tree noong May 2011. Pinaniniwalaang may mga supernatural beings na  naninirahan sa puno batay na rin sa marker na nakalagay doon.

“Considered a sacred tree by the Filipinos, the balete is believed to be the residence of supernatural beings,” saad ng marker sa puno.

Ayon sa nagpasalin-saling mga kuwento, isang kapre umano ang matagal nang  naninirahan sa puno ng balete at ang pangalan nito ay Mr. Brown.

Screenshot mula sa video ni Sec. Martin Andanar

“Palace gardeners and fountain technicians have done an excellent job maintaining this historic frontyard. Video taken before the 53rd cabinet meeting,” post ni Sec. Andanar sa Instagram.

Sumunod na ipinakita ng kalihim ang malaking hagdan patungo sa Reception Hall ng Palasyo. Makikita sa maluwag na bulwagan ang dalawang malalaking chandeliers.

“Staircase to the Aguinaldo State Dining Hall, Rizal Ceremonial Hall and offices inside Malacañan Palace. Video and Photos taken before the 53rd Cabinet Meeting,” ang caption sa video ng kalihim.

Screenshot mula sa video ni Sec. Martin Andanar

Loading…