Sindikato sa DA kikita ng P6 bilyon kada taon sa “tongpats” sa pork importation – Sen. Ping Lacson

Imahe mula sa BWO
  • Isiniwalat ni Sen. Ping Lacson na may “tongpats” na aabot sa P6 billion a year ang sindikato sa loob ng DA sa importasyon ng pork products
  • Mula sa dating 54,000 metric tons ay may panukala na itaas sa 400,000 metric tons ang imported pork products ang papayagan
  • Sinabi ng isang insider sa senador na P5-P7 kada kilo ng iaangkat na karne ang “tongpats” ng mga “masuswerte” sa DA

Ibinunyag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang korapsyon sa loob ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng panukala  na itaas ang volume ng importasyon ng pork products at bawasan ang ipinapataw na buwis sa mga produktong inangkat.

Imahe mula kay Sen. Ping Lacson

Ginagamit umano ng sindikato sa loob ng DA ang African Swine Fever (ASF) infestation sa bansa bilang “smokescreen” upang maitago o mapagtakpan ang tunay na intensyon – ang kumita ng malaking halaga sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kikita umano ng anim na bilyong piso kada taon mula sa “tongpats” o kickback sa proposal na itaas sa 400,000 metric tons ang minimum accesss volume (MAV) mula sa dating 54,000 metric tons at bababaan ng 5% ang taripa.

Ang MAV ay ang pinapayagang dami o volume ng isang partikular na agricultural product na maaaring angkatin mula sa ibang bansa na may mababang taripa o buwis.

Sinabi umano ng isang DA insider kay Sen. Lacson na ang “tongpats” ng sindikato ay nasa P5 hanggang P7 kada kilo ng imported pork products.

“At 400K metric tons or equivalent to 400M kilos, kung may existing P5-7 per kilo na tongpats ito galing sa loob, galing sa inside info sa umiiral na kalakaran. At kung sabihin nating nagdoble ang patong, P10 to P15 ngayon ang patong, you can just imagine ang kikitain ng sindikato rito. Sa 400M times 10 that’s easily P4B. Ito ang SOP. At kung P15 ang idadagdag kasi 5-7, sabihin nating 15, easily P6B ang kikitain ng masuwerte roon,” ayon kay Sen. Lacson.

Imahe mula sa PNA

Nanawagan ang senador sa Presidential Anti-Corruption Commission na siyasatin ang ang ibinunyag na money-making scheme  sa importasyon ng mga karne.

Loading…