Sino siya? Hulaan kung sinong singer ang umawit ng first Filipino-language song ng Disney

Imahe mula sa Walt Disney Studios
  • Gagamit ang Disney Studios ng Filipino-language song bilang theme song ng animated movie na “Raya and the Last Dragon”
  • Pinahuhulaan ng Disney Studios kung sino ang Pinay singer ng theme song
  • Ang singer ay isa raw sa mga singers na may pinaka-powerful voice sa Pilipinas

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagamit ang Walt Disney Studios ng Filipino-language theme song para ilalabas nitong animated movie na “Raya and the last Dragon.”

Imahe mula sa Walt Disney Studios

Sa Facebook ng Walt Disney Studios Philippines, ipinasilip nito ang larawan ng isang babae na nakatalikod. Siya umano ang kumanta ng theme song. Pinahulaan nito kung sino siya. Ang singer ay isa raw sa may pinaka-powerful na boses sa Pilipinas.

“The first Filipino-language song from Disney, sung by one of the Philippines’ most powerful voices. Find out who she is tomorrow,” post ng Disney Studios sa Facebook.

Marami ang naintriga sa pahula ng Disney.

May nagsabing si KZ Tandingan daw ang “mystery singer’ at mayroon ding si Sarah Geronimo ang hula.

May humula rin na si Griff ang singer dahil sa hairdo nito na kapareho ng sa babaeng nakatalikod sa post ng Disney, pero hindi naman siya Pinay dahil English-Chinese siya kaya siguradong hindi siya ang nasa larawan.

Imahe mula sa Walt Disney Studios

Narito ang mga humula kung sino ang Pinay singer ng theme song ng “Raya and the last Dragon.

“I think that’s Griff because of the hairstyle. She also sang “Love is a Compass” from Disney’s Christmas advert about Filipino culture and tradition. Nut she’s not a Filipino, though.”

Griff/Imahe mula s Facebook page ng Walt Disney Studios

“I think it’s Sarah G.”

“First glance, I should say, it is KZ.”

“Sarah G.”

“I think si KZ, (sa hairstyle at shape ng ear ng photo) pero ok na ok din si Sarah.”

KZ Tandingan/Imahe mula sa Facebook page ng Walt Disney Studios

Sino sa palagay n’yo ang “mystery singer” na may powerful voice?

Samantala, silipin ang trailer:

Loading…