Sniffer dogs sa Thailand kayang ma-detect ang COVID sa pawis ng tao

Imahe mula sa Reuters
  • Kayang ma-detect ng mga sniffer dogs sa Thailand ang taong may COVID
  • Ito ay sa pamamagitan lamang umano ng pagsinghot sa pawis ng taong infected
  • Maaaring ipakalat sa mataong lugar ang mga na-train nang Labrador Retriever

Isang proyekto sa Thailand ang napatunayang 95% na epektibo ang mga na-train na sniffer dogs sa pag-detect ng COVID infection sa pawis lamang ng tao.

Ayon sa Reuters, anim na Labrador Retriever ang dumaan sa naturang training sa loob ng anim na buwan sa Chulalongkorn University. Kabilang sa ipinagawa sa mga canines ay pagsinghot sa pawis ng taong may COVID na nasa lalagyan at ikinabit sa isang spinning wheel.

Imahe mula sa Reuters

“The dogs take only one to two seconds to detect the virus,” bahagi ni Professor Kaywalee Chatdarong, ang team leader ng proyekto at miyembro ng veterinary faculty ng unibersidad.

“Within a minute, they will manage to go through 60 samples,” dagdag pa ni Chatdarong.

Kaya umanong ma-detect ng aso ang ‘volatile organic compound’ na inilalabas ng pawis ng isang may COVID-19, kahit pa walang sintomas ito.

Hindi rin kailangang direktang sisinghutin ng aso ang mga tao, kung hindi i-screen lang nila ang sample ng mga pawis, bagay na hindi mahirap para sa isang tropical na bansa tulad ng Thailand.

Imahe mula sa Bangkok Foodie

Ang susunod na hakbang ng project ay ang pagpapakalat ng mga sniffer dogs na ito sa mga mataong lugar tulad ng transport hubs sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“In the future, when we send them to airports or ports, where there is an influx of commuters, they will be much faster and more precise in detecting the virus than temperature checks,” ayon sa project team leader.

Nauna nang nagsagawa ng katulad na hakbang ang bansang Chile, Finland at India kung saan gagamitin ang sniffer dogs para ma-detect ang COVID sa tao.

Ibinahagi rin noong nakaraang buwan ng isang veterinary clinic sa Germany na ang kanilang sniffer dogs ay 94% effective sa pag-detect ng COVID sa laway naman.

Loading…