Social distancing mahirap ipatupad dahil sa overpopulation – Pres. Duterte

Imahe mula sa CGTN
  • Inamin ni Pang. Duterte na mahirap ipatupad ang social distancing lalo na sa mga urban areas
  • Overpopulation ang itinuro niyang dahilan nito
  • Ang overpopulation sa bansa ay resulta raw ng kabiguan ng pamahalaan na maipatupad ang family planning program

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mahirap ipatupad ang social distancing, lalo na sa mga urban areas. Overpopulation ang itinuro niyang dahilan nito.

Screenshot mula sa ANC video

Aniya, ang overpopulation sa bansa ay resulta ng pagkabigo ng mga ahensya ng pamahalaan na epektibong ipatupad ang family planning programs.

“How can social distancing be enforced in places like Quiapo and on buses where there are so many Filipinos crammed in urban areas?” sambit ni President Duterte sa kanyang speech sa inagurasyon ng Ports Operation Building sa Dumaguete City.

“This is because we have not been able to implement the family planning program,” wika ng Pangulo.

Ang dating Pangulong si Fidel V. Ramos lang daw ang unang naging masigasig na  ma-implement ang family planning program sa bansa. Siya ang ikalawa.

“I remember it was only President Ramos, who was a Protestant, who really insisted on family planning. I am second. Ayaw ng simbahan, eh, kaya collision course talaga,” aniya.

Nasa 110 million na umano ang populasyon ng bansa at ito raw ang ikalawa sa pinakamabilis pagdating sa pagtaas ng bilang ng populasyon, ayon sa Pangulo.

Imahe mula sa Manila Times

“It is high time this is reviewed. We should match the family planning programs of our government with our GDP (gross domestic product),” giit niya.

Kasabay ng pag-amin na mahirap ipatupad ang social distancing dahil sa rami ng mga tao, sinabi niya na kailangan nang mabuksan ang ekonomiya, pero kailangan daw na gawin ito nang may pag-iingat. Marami na umano ang mga mamamayang nagugutom at kailangang kumita.

Ang apela niya sa publiko ay patuloy na sundin ang mga health protocols upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. Magsuot ng face mask at face shield para maproteksyunan ang sarili at ibang tao.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…