“Staycation” sa NCR+ bubble pinapayagan pero hindi rekomendado

Imahe mula sa PNA
  • Pinapayagan sa NCR+ bubble ang staycation, pero dini-discourage ito ng DTI
  • Sinabi ng DTI na hangga’t maaari ay gugulin na lang sa bahay ang Holy Week
  • Kinumpirma ng Department of Tourism na tuloy pa rin ang turismo sa NCR+ bubble

Pinapayagan ang “staycation” sa NCR+ bubble na klinabibilangan ng National Capital Region (Metro Manila), Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan, subalit hindi ito rekomendado ng Department of Trade and Industry (DTI).

Imahe mula sa DTI

Hinihikayat ni DTI Undersecretary Ruth Castelo ang mga residente  sa NCR+ bubble na hangga’t maaari ay manatili na lang sa bahay sa darating  na Holy Week habang ang bansa ay nakikipagbuno sa panibagong surge ng COVID-19 cases.

“Staycations are allowed, yes, but they are highly discouraged because we encourage everybody to stay home. But if it can’t be avoided or it’s really needed, then that is allowed within the area… But of course, it’s our own lookout because the surge is there and COVID is real,” aniya sa isang virtual forum.

Noong Lunes, March 22, ay nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga staycationers ay maaaring bumiyahe sa loob ng NCR+ bubble, pero may age restrictions

“’Pag nasa loob ng bubble, walang problema. ‘Yung mga mag-staycation, allowed pa rin po iyan pero bawal ang seniors, bawal ang bata,” paliwanag ni Sec. Roque.

Kinumpirma naman ito ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Imahe mula sa DOT

Aniya, “Basta kung nasa loob ka ng bubble puwede naman, pero outside no’n, ‘yon ang hindi na puwede ang turismo, pero siyempre meron nang age restrictions, bawal ang below 18 at above 65. Humiling talaga ‘yung mga doktor na two weeks lang huwag muna ‘yung turismo outside sa NCR Plus so, kami sa DOT ay nakikinig sa mga doktor. So, pinagbigyan namin sila.”

Ang NCR+ ay isinailalim sa dalawang lingogong mas mahigpit na general community quarantine. Matatapos ito sa April 4.

Source :

GMA , CNNPH

Loading…