Sulu at Tawi-Tawi connected na sa free Wi-Fi ng DICT

Imahe mula sa DICT
  • Konektado na ang Sulu at Tawi-Tawi sa free Wi-Fi ng DICT
  • Sinabi ni DICT chairman Gregorio Honasan na lahat ng 81 provinces ng bansa ay mayroon nang free Wi-Fi connection
  • Nasa 10 mbps umano ang speed ng free Wi-Fi ng DICT

Puwede nang kumonekta sa libreng internet ang mga residente ng Sulu at Tawi-Tawi matapos ma-activate ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang mga Wi-Fi hotspots sa mga nabanggit na lalawigan.

Imahe mula sa DICT

Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, lahat na ng 81 provinces ng bansa ay mayroon nang koneksyon sa libreng Wi-Fi.

“Now, we are glad to announce that with this recent deployment, all 81 provinces of the Philippines are now connected to Free Wi-Fi. Through Free Wi-Fi, we want to reach places where there is minimal to no fiber and tower. Thus, we are currently carrying out Free Wi-Fi installation to target more geographically isolated and disadvantaged sites through the use of very small aperture terminal or VSAT Satellite,”aniya.

Sinabi ng tagapagsalita  ng  Sulu provincial government na si Sonny Abing, Jr. na 10 mbps ang speed ng Wi-Fi sa provincial capitol na operational na noong isang linggo pa.

“This is a great help for our workers, students, so that they can enjoy a certain degree of connectivity,” pahayag ni Abing.

Aniya, ilang taon din nagtiis ang probinsya sa mabagal na internet connection mula sa dalawang commercial telecommunication firms sa kanilang lugar.

Imahe mula sa DICT

“Now, students need not go to computer shops or buy load to access the internet. All they need is to stay in school, where the internet is free,” sabi pa ni Abing sakaling payagan na ang face-to-face classes.

Malaki rin umano ang maitutulong ng free Wi-Fi sa mga magsasaka sa pagpapalakas ng kanilang negosyo at pagkakaroon ng iba pang mga oportunidad.

Source :

DICT, Inquirer

Loading…