SWS: Blended learning mas tipid, ayon sa 45% ng pamilyang Pilipino

  • Mas maraming Pilipino sinabing mas tipid ang blended learning kaysa sa face to face learning
  • Sa Visayas ang may pinakamaraming nagsabi na mas tipid ang blended learning
  • Iba ang resulta sa NCR, mas marami rito ang nagsabing mas mahal ngayon kumpara sa face to face education

Sinabi ng mas nakararaming pamilyang Pilipino na mas mababa ang kanilang nagagastos sa pag-aaral ng mga miyembrong naka-enrol sa blended learning kumpara sa tradisyunal na face to face learning.

Batay sa tala ng Social Weather Station (SWS) na inilabas noong March 13, 45% ng mga sinurbey ang nagsabing mas nakatipid sila ngayon, 37% ang nagsabing mas mahal ngayon at 17% ang nagsabing hindi sila makapagdesisyon.

Pamilya mula Visayas ang may pinaka-naniniwalang mas tipid ang blended learning na may 53% kumpara sa Mindanao na may 47%, Balance Luzon 43% at Metro Manila sa 35%.  Mas marami naman sa NCR ang naniniwalang mas mahal blended learning.

Isinagawa ang survey mula November 21 to November 25, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,500 adults na may ead 18 pataas sa buong Pilipinas.

Blended learning ang set-up na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon para maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pandemya.

Maliban dito, lumabas din sa survey ng SWS na 89% ang nagsabing mas mahirap ang pag-aaral sa blended learning kaysa sa face to face learning. Binubuo ito ng 61% na nagsabing talagang mas mahirap ngayon at 28% na nagsabing medyo mas mahirap ngayon.

Anim na bahagdan naman ang nagsabing mas madali ngayon at 5% ang hindi desidido.

Image capture of video by @kalokomo23 via Tiktok | Jay Garcia Gopez via Facebook

Pinakamarami sa mga nagsabing mas mahirap ang blended learning ay ang mga may head of the family na non high school graduate sa 65% hanggang 69% kumpara sa 54% hanggang 57% para sa mga may mas mataas na educational background.

Ayon pa sa mga na-survey, ang mga nanay ang karaniwang tumutulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral pero kapatid ang pinaka-karaniwan sa mga may head of the family na hindi high school graduates.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Loading…