Tanong ng mga netizens: DOH Sec. Duque, hanggang ‘stick’ na lang ba?

Imahe mula kay Parañaque mayor Edwin Olivarez
  • Duque namataan sa Baclaran na may dalang meter stick upang ipaalala ang kahalagahan ng physical distancing upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
  • Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang netizens sa diumano ay “palabas” ni Sec. Duque
  • Ang dapat daw pagtuunan ni Sec. Duque ng panahon ay ang pagpapabilis ng vaccination sa bansa

Sa gitna ng muling pagdami ng nahahawaan ng COVID-19 ay muling namataan si Secretary Francisco Duque III ng Department of Health (DOH)  na may dalang meter stick upang paalalahanan ang publiko na dapat panatilihin ang isang metrong pagitan sa bawat isa upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Imahe mula kay Parañaque mayor Edwin Olivarez

Kasama ang mga lokal na opisyal ng Parañaque City sa pangunguna ni Mayor Edwin Olivarez, naglibot si Sec. Duque sa Barangay Baclaran para sa inisyatibo ng DOH na tinatawag na “Bida Bastonero” upang ipatupad ang physical distancing.

“Makatutulong ito sa pagputol ng kadena ng hawaan at mababawasan ang kumpulan sa public places,” sabi niya sa mga residente at mga vendors sa Baclaran.

Namahagi rin ang grupo ni Sec. Duque ng libreng face mask at face shield.

Hindi ito ang unang beses na nagdala ng meter stick ang kalihim upang sukatin kung nasusunod ang isang metrong distansya sa pagitan ng mga tao kaya naman muli siyang inulan ng kritismo mula sa mga netizens.

Ayon sa mga dismayadong netizens, dapat daw na ang pagtuunan ng panahon ni Sec. Duque ay ang pagpapabilis ng vaccination sa bansa.

Narito ang ilan sa mga komento nila:

Imahe mula kay Parañaque mayor Edwin Olivarez

Imbes bakuna ang dala dahil trilyon ang inutang, face mask at baston pa din ang DOH!” 

 Ano Duque, hanggang stick ka na lang ba?” 

 What if mag-focus po tayo sa pagpapabilis ng pagdating ng vaccine? Sa pag-lessen ng cost ng tests para mas magi itong affordable sa mga ordinaryong mamamayan? Sa pag-aayos ng health protocols sa buong bansa. Tama na ang mga ganito, Sec. Duque.”

Imahe mula kay Parañaque mayor Edwin Olivarez

Loading…