Teacher na nakakatuwang magturo ng singing lesson, viral sa TikTok at FB

Screenshot mula sa TikTok video
  • Isang private school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ang kinaaaliwan ngayon sa social media
  • Matapos mawalan ng trabaho ay naisipan ni teacher Dan na mag-vlog
  • Hindi raw niya inaasahan na papatok sa mga tao ang mga video niya

Good vibes ang hatid ng isang private school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Screenshot mula sa TikTok video

Viral ang mga video niya ng kwelang singing “tutorials” sa Facebook at TikTok, lalo na ang rendisyon niya ng kanta sa animated movie na “Frozen” – ang “Do You Want To Build A Snowman,”  na ngayon ay may 2.6 million views at mahigit 52,000 shares. Sa TikTok ay mayroon na iyong mahigit 757,000 plays.

Ayon kay DanVibes o Teacher Dan, na ang tunay na pangalan ay Danieca Arreglado Goc-ong, hindi raw niya inaasahan na papatok sa mga tao ang ginagawa niyang mga video.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa mga pakwela niyang hirit:

“This lady has more talent than the entire star magic circle combined.”

“Dami ko pong natutunan ma’am from variations of voice to proshort, then volumatic and of course the interconnection of esophagus to diaphragm.”

“Nag-enjoy ko from opening remarks to closing ceremony ma’am.”

Screenshot mula sa TikTok video

Kuwento ni teacher Dan, tatlong taon daw siyang nagturo sa isang private school at natapos na ang kontrata niya noong nakaraang taon. Dahil sa pandemya ay hindi na siya nakapagturo ulit dahil mahirap daw mag-apply at wala rin daw slot sa public schools.

Dahil doon ay naisipan niyang mag-vlog.

“Last year din natapos ’yung contract ko sa private school. And dahil sa pandemic, I was not able to continue it. Mahirap mag-apply, e. And then there’s no slot as of this time pa sa public that’s why ito na lang, nag-tutorial ako at saka nagvo-vlog,” ayon sa 24-anyos na Cebuana teacher.

Screenshot mula sa TikTok video

“I just wanted to connect kasi teacher ako, and then hilig ko ’yung pagkanta, ’di ba, so puwede ko kasi ’yun i-combine. Then luckily, ayun nagba-viral siya. Hindi inaasahan,” sabi pa niya.

Panoorin ang pinaka-viral niyang video:

Source :

Facebook, TikTok

Loading…