Ted Failon nagpositibo sa COVID-19; sumailalim na sa self-isolation

Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Nagpositibo sa COVID-19 ang broadcaster na si Ted Failon
  • Ito ay matapos mahawahan siya ng kaniyang isang kasamahan sa trabaho
  • Ang kaniyang kasamahang si DJ Chacha ay negatibo at humihingi ng panalangin para kay Ted

Nagpositibo sa COVID-19 ang beteranong broadcaster na si Ted Failon at ngayon ay sumailalim na sa self-isolation.

Sa isang pahayag na inilabas ni Ted nitong Martes, ibinahagi ng News5 radio host na una siyang inabisuhan ng management ng Radyo5 noong Linggo nang gabi, Marso 28, na nagpositibo sa COVID ang isa niyang kasamahan sa trabaho.

Dahil dito, kaagad siyan sumailalim sa testing kinabukasan nang Lunes dahil isa siya sa mga close contact ng nabanggit na empleyado. Kinagabihan ay natanggap naman niya ang resulta kung saan nasasaad dito siya ay positibo nga sa virus.

Imahe mula sa Facebook ni Dj Chacha

Kaagad naman umano siyang nag-self isolate at inabisuhan ang lahat ng kaniyang nakasalamuha. Ayon kay Ted, asymptomatic siya at pinayuhang mag-home quarantine.

“I am praying that I do not develop any symptom and if at all possible, I can continue working from home, via any communication means that is achievable, given the current state I am in,” pahayag ng dating Kapamilya broadcaster.

Wika pa ni Ted, isa umano itong paalala na kahit sumunod ka sa protocol ay may posibilidad pa rin talaga na mahawahan ka ng COVID.

“We need to be extra cautious and take all necessary precautions to ensure our safety and the safety of our families,” giit pa ng premyadong radio host.

Imahe mula sa Facebook ni Dj Chacha

Samantala, sa Facebook post naman ni DJ Chacha, na kasamahan ni Ted sa kanilang morning show sa Radyo5, sinabi nitong maging siya umano ay nagpa-swab test na rin at nagnegatibo.

“Mixed emotions kase masaya na negative ako pero malungkot dahil positive ang ibang kasamahan ko sa trabaho,” ani Dj Chacah na nakatakdang magpa-test muli sa April 3.

Humingi rin ng panalangin si Dj Chacha para kay Ted Failon at sa lahat ng kaniyang mga kasamahan na may COVID-19 ngayon.

Loading…