Tonik, ang bagong all-digital bank sa Pilipinas, nagbibigay ng hanggang 6% interest per annum

Screenshot mula sa Tonik video
  • Six percent interest per annum ang alok ng Tonik, isang all-digital bank
  • Ang all-digital bank o Neobank ay nakapagbibigay ng mas mataas na interest sa deposito dahil wala itong physical branch
  • Ang Tonik ay nasa ilalim ng supervision ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang deposito ay nakaseguro sa PDIC

Inilunsad sa Pilipinas ang kauna-unahang Neobank sa Southeast Asia – ang Tonik – noong March 18, 2021. Nasa ilalim ito ng supervision ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga deposito ay nakaseguro sa Philippine Deposit Insurance Corporation.

Imahe mula sa Tonik

Ano ba ang isang Neobank?

Ang Neobank ay global term sa mga all-digital banks na nagbibigay ng kaparehong serbisyo tulad ng mga tradisyunal na bangko, pero wala itong physical branches. Dahil sa natitipid sa kawalan ng physical branch ay nakapagbibigay ito ng mas mataas na interest at inaalis ang mga “unfair fees.”

Ang customer ay maaaring magbukas ng account sa Tonik sa pamamagitan ng app  gamit ang ID at selfie. Kapag nakapagbukas na ng account ay iisyuhan ang customer ng virtual Mastercard debit card na maaaring  magamit sa maraming e-stores.

“We started Tonik because we were fed up with how traditional banks mistreat their customers. The fact that 70 percent of the Filipinos remain unbanked shows that the tedious onboarding process of traditional banks and their ridiculously low interest rates do nothing to satisfy the needs of the consumers,” pahayag ni Tonik founder and CEO Greg Krasnov.

Screenshot mula sa Tonik video

Ang alok na 6% interest per annum ay para sa Time Deposit. Hindi dapat mag-alala sa time deposit kapag may emergency at kailangang i-withdraw ang pera dahil hindi “naka-lockdown” ang inyong pera. Maaari itong kunin anumang oras nang walang penalties o charges.

Ang early withdrawal ng time deposit ay binibigyan din ng 1% interest (mas mataas pa rin kumpara sa ibinibigay ng mga traditional banks na less than 1% per annum).

Imahe mula sa Tonik

May tinatawag ding Solo Stash bank account sa Tonik kung saan 4% interest per annum naman ang ibinibigay.

Mayroon ding Group Stash na may 4.5% interest per annum kung saan maaaring mag-imbita ng mga kaanak at mga kaibigan na mayroon ding Tonik account para makapag-contibute sa kung anuman ang pinag-iipunan (parang paluwagan).

Bisitahin ang official website ng Tonik para sa mas marami pang detalye.

Imahe mula sa Tonik
Source :

Tonik, Inquirer

Loading…