Traffic-free na pamamasyal sa tourist spots sa Maynila, libreng alok ng Pasig River Ferry Service

Imahe mula sa PRCMO
  • Traffic-free na pamamasyal sakay ng ferry boat alok ng Pasig River Ferry Service ng MMDA
  • Tiniyak ng PRCMO na ligtas, malinis at hindi masakit sa bulsa ang pagsakay sa ferry dahil libre
  • Ipinaalala g MMDA ang pagdadala ng identification card sa mga sasakay sa ferry

Nais niyo bang mamasyal sa ilang tourist spots sa Maynila nang hindi makukunsumi sa grabeng trapiko at hindi mabigat sa bulsa dahil libre ang pamasahe? Sunggaban na ang alok na libreng sakay ng Pasig River Ferry Service.

Imahe mula sa PRCMO

Inanunsyo ng Pasig River Coordinating and Management Office (PRCMO) na ang Pasig River Ferry Service ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay available para sa mga Pinoy na nais mamasyal sa iba-ibang tourist spots na nasa lugar sa Metro Manila.

Magandang pagkakaton ito upang makita na rin ang magandang pagbabago ng Ilog Pasig.

“Why not take the scenic route right in the heart of Metro Manila and discover the beautiful and improving Pasig River?” sabi ng PRCMO, isang ahensya na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Reosurces.

“Level up your weekend getaway aboard the Pasig River Ferry Service and see the wide array of views and colors the metro has to offer! Choose your adventure: Go on a cultural side trip in Manila’s historic districts of Binondo (drop off at Escolta Ferry Station) and Intramuros (Lawton Ferry Station) or go with the flow at the trendiest and hippest cafes and restos in Poblacion, Makati City (Valenzuela Ferry Station),” sabi pa nito.

Imahe mula sa PRCMO

Tiniyak ng PRCMO na ligtas, malinis at walang traffic ang ruta.

“Safe na safe at walang traffic. Hindi masakit sa ilong. Hindi masakit sa bulsa (Libreng Sakay!),” pagtitiyak ng ahensya.

Imahe mula sa PRCMO

Ipatutupad din ang health protocols sa pagsakay sa ferry.

“Standard health protocols are observed such as wearing of face mask and face shield, undergoing temperature check, spraying alcohol, and maintaining two-meter physical distancing,” ayon pa sa PRCMO.

Ipinaalala naman ng MMDA ang pagdadala ng identification card sa mga sasakay sa ferry. Ibinigay din nito ang trip schedule at ang mga istasyon.

Imahe mula sa MMDA

Loading…