Tulong ng Abu Dhabi Crown Prince sa Pinas pormal na kinilala ng Senado sa isang resolusyon

Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan | Imahe mula sa Isreal Hayom
  • Pormal na kinilala ng Senado ang tulong sa bansa ng Abu Dhabi Crown Prince
  • Isa umano itong magandang pagkakataon dahil nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Sheikh Al Nahyan
  • Marami nang naibigay na tulong ang Crown Prince at UAE sa bansa at sa mga Pinoy doon

Dahil sa pagiging malapit sa mga Pinoy, pormal na kinilala ng Senado ang tulong ni Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa ni Senador Richard Gordon.

Unanimous na inaprubahan nitong Miyerkules ang Senate Resolution No. 671 para kilalanin at pasalamatan ang malaking tulong at suporta na ibinibigay ni Sheikh Al Nahyan hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa mga Pilipinong nasa United Arab Emirates (UAE).

Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan| Imahe mula sa Gulf News

“There is an Arab saying that goes ‘A friend is known when needed.’ We also have an English saying, ‘A friend in need is a friend indeed.’ Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan is truly a friend of the Philippines. Upon his instructions, assistance had been sent for various disaster-struck areas in our country,” ani Gordon sa kaniyang pahayag sa Senado.

Nagkataon rin umano na si Sheikh Al Nahyan, na siya ring Deputy Supreme Commander ng UAE Armed Forces, ay magdiriwang ng kaniyang ika-60 na kaarawan nitong Huwebes, Marso 11. Kaya isang magandang pagkakataon ito na ipaabot ng Senado ang kanilang pasasalamat sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Gordon

“It is timely that we show to him, our people’s appreciation for his gestures of friendship by the recognition of the Senate of the Philippines…” wika pa ng senador.

Sa ilalim ng direktiba ni Sheikh Al Nahyan, ang UAE, sa pamamagitan ng Emirates Red Crescent at sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross ay nakapagpatayo ng health center na nagkakahalaga ng P19-M sa Dolores, Samar matapos ang bagyong Yolanda.

Bukod dito, tumulong din ang UAE upang muling itayo ang mga nasirang paaralan at ito ay nagkakahalaga ng P27-M.

Imahe mula sa EN24 NEws

Noong nanalanta ang bagyong Rolly, naglaan rin ang UAE ng $9.5-M (P460-M) bilang tulong sa mga naapektuhang komunidad sa bansa. Nang pumutok naman ang Bulkang Taal, kaagad nagpadala ng ERC ng humanitarian mission para matulungan ang mga apektadong residente.

Nito namang COVID-19 pandemic, nagpadala rin ang UAE sa Pilipinas ng halos 7 tonelada ng personal protective equipment (PPE) para sa mga medical frontliners.

Malaki rin ang naging pasasalamat ng mga Pinoy medical frontliners sa UAE matapos kilalanin ng Crown Prince ang kanilang naging ambag sa pagsugpo sa COVID, at libreng bakuna na natanggap ng halos 700,000 na kababayan natin doon.

Source :

PNA, PIA, Gulf News, Remate

Loading…