Unang kaso ng South African COVID variant sa Pinas na-detect sa 6 katao

Imahe mula sa BBC
  • Na-detect na sa bansa ang unang kaso ng South African COVID variant sa 6 katao
  • Tatlo rito ay residente ng Pasay at inaalam pa kung nagkaroon na ng local transmission doon
  • Umakyat na rin 87 ang bilang ng UK variant cases matapos madagdagan ng panibagong 30

Anim katao ang iniulat ng Department of Health (DOH) na nahawahan ng COVID-19 na mayroong South African variant para maging kauna-unahang kaso ng nabanggit na variant sa bansa.

Sa anim na ito, tatlo umano ang local cases, dalawa ang returning overseas Filipinos (ROF)s) habang inaalam pa ang detalye ng isa.

Na-detect ng Philippine Genome Center ang South African variant, o tinatawag ding B.1.351 variant, mula sa mga samples na nakolekta simula Enero 27 hanggang Pebrero 13, ayon sa DOH.

Pasay City lockdown| Imahe mula sa ABS-CBN News

Ang tatlong local cases ay pawang residente ng Pasay City; isang 40-anyos na lalaki na gumaling na sakit; isang 61-anyos na babae at isang 39-anyos na lalaki na nanatiling active cases at nasa ilalim ng pangangalaga ng lokal na pamahalaan.

Ang dalawang ROFs naman ay bumalik sa bansa mula sa bansang Qatar at United Arab Emirates (UAE).

Maliban dito, nadagdagan din ng 30 ang kaso ng UK variant (B.1.1.7) sa bansa kaya umakyat na sa 87 ang kabuuang bilang ng tinamaan nito. Sa bilang na ito, 20 ay mga ROFs mula sa Middle East, Singapore at US; tatlo ang local cases mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang inaalam pa ng impormasyon sa nalalabing pito.

Ang South African variant ay unang na-detect sa Nelson Mandela Bay| Imahe mula sa ABC News

Ang South African variant ay unang nadiskubre sa Nelson Mandela Bay sa South Africa noong Oktubre 2020. Mas nakahahawa ito ng 50% kumpara sa regular na COVID-19 at kumalat na rin sa mahigit 30 pang bansa sa mundo.

Ibinahagi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may nakita silang kaugnayan sa dalawang kaso sa Pasay City subalit inaalam pa kung nagkaroon na ng local transmission ng South African variant sa lungsod.

Loading…