Uniform curfew sa NCR ‘pabigat’ lang sa mga manggagawa – Grupo

Imahe mula sa PNA
  • ‘Pabigat’ lang umano sa mga manggagawa ang curfew sa NCR
  • Ang mga trabahador lang daw kasi ang mahihirapan na naman lalo na sa transportasyon
  • Baka lang mauwi daw sa panibagong pang-aabuso ito sa mga manggagawa

Pabigat lang umano sa mga karaniwang manggagawa ang ipinatutupad na uniform curfew sa lahat ng lungsod at bayan sa Metro Manila ayon sa isang grupo.

Sa pahayag na inilabas ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), sinabi ng grupo na ang curfew na ipinanukala ni DILG Undersecretary Efimaco Densing at ipinatatupad ng lahat ng NCR mayors, ay hindi maganda ang mga epekto sa mga empleyado lalo na yaong nagtatrabaho sa gabi.

Screenshot mula sa Facebook-BMP

“USEC Densing’s indecent proposal would negatively impact not only those who work on a graveyard shift workers but the entire working class population of Metro Manila; not only those who come off and go to work at night such as the second shift (2:00 p.m. to 10:00 p.m.) and third shift (10:00 p.m. to 6:00 p.m.) workers but also those on a morning shift (6:00 a.m. to 2:00 p.m.) since they are usually on the road by five in the morning,” anang BMP.

Dahil sa paghihigpit sa transportasyon sa mga nabanggit na oras, muling bumabalik sa alaala umano ang mga sakripisyo ng mga medical workers at frontliners na kailangan maglakad ng napakalayo makapasok lamang at makauwi sa kanilang bahay.

Imahe mula sa Facebook-BMP

Ganun din daw ang naranasang ‘pang-aabuso’ noon sa mga riders sa mga checkpoint kabilang na ang hindi patas na pagpapatupad ng health protocols.

“It is evident that Densing is indifferent to the plight of public mass transport commuters and the common two-wheel riders as he is too comfortable in his own private vehicle and in the transport services accorded to him as a government official,” dagdag pa ng grupo.

Inakusahan din ng BMP ang pamahalaan na nagkukulang umano sa pagsuporta sa mga nahihirapang mamamayan kaya napipilitan ang mga taong lumabas ng bahay para kumita ng pera. Sana man lang daw ay siguruhin naman ng gobyerno na ligtas ang pagbiyahe ng mga tao sa panahong ito.

Screenshot mula sa Facebook-BMP

Naniniwala rin ang BMP na ang uniform curfew ay hindi lamang resulta ng ‘reactive panic attack’ ng gobyerno dahil sa biglang paglobo ng kaso ng COVID.

“It is also goaded on by the erroneous, insulting, and harmful mindset that the Filipino people, especially the workers and the poor, are to blame for the apparent second wave of the pandemic in the country,” dagdag pa ng grupo.

Nababahala rin umano sila na ang dalawang linggong curfew na ito ay mauuwi lamang sa panibagong pag-abuso sa mga mahihirap, ayon pa sa BMP.

Loading…