Unused data ng Globe puwede nang i-convert sa GCash credit o Reward points

Imahe mula sa BW Online
  • Maaari nang i-convert ang mga ‘di nagamit na data ng Globe sa Gcash or Reward points
  • Ito ay available para sa lahat ng prepaid o postpaid subscribers ng Globe
  • Ang conversion ay maaaring gawin gamit ang Globe One o kaya ay ang Globe Reward app

Maaari nang i-convert sa GCash credit o reward ang hindi nagamit na data ng mga prepaid o postpaid subscribers ng Globe.

Ayon kay Globe Deputy Chief Commercial Officer Issa Cabreira nitong Huwebes, sa pamamagitan ng kanilang ‘GB to Points’, may option na ang subscribers na ipalit ang kanilang mga hindi nagamit na data sa cash o reward points na ‘good as cash’ na ngayon.

Globe One| Imahe mula sa Globe

“Kung hindi mo magamit, magagamit mo sa ibang bagay… Mapapakinabangan mo siya, walang sayang, walang tapon. Lalo na sa panahon ngayon na lahat ng tao nag-o-optimize,” paliwanag ni Cabrera.

Ang conversion ay maaaring gawin gamit ang mga application na Globe One o ang Globe Rewards. Ito ay available sa lahat ng prepaid at postpaid mobile subscribers kabilang na ang Home Prepaid Wifi.

“We’re committed to bring digital innovations na talaga na makatutulong sa buhay ng mga Pilipino. We really want to break barriers and make it really accessible to Filipinos. We know how essential the internet is in their daily lives,” bahagi pa ni Cabrera.

Globe Rewards| Imahe mula sa Globe

Para sa mga prepaid subscribers, ang 1GB ay maaaring i-convert sa 1 Reward point. Para naman sa mga postpaid subscribers, ang 1GB ay may kapalit na 10 Reward points; habang 3GB para sa mga Home Prepaid WIfi subscirbers ay pwedeng i-convert sa 3 Reward points.

Ang mga Reward points naman na maiipon ay maaaring gamitin sa mga services tulad ng Viu subscriptions, GrabFood deliveries, o kaya ay gaming o  Lazada credits.

Puwede rin itong ipagpalit sa mga discount vouchers na maaaring gamitin sa iba’t-bang  dining, shopping, entertainment at travel brands o kaya ay sa pagbili ng load at iba pang produkto ng Globe.

Loading…