US nagpahayag ng suporta sa Pilipinas hinggil sa mga namataang Chinese militia vessels sa WPS

Imahe mula sa NTF-WPS
  • Suportado ng Amerika ang protesta ng Pilipinas sa namataang daan-daang Chinese militia vessels sa WPS
  • Nanawagan ang US sa China na tigilan na ang paggamit sa mga militia para sa paninindak at paghahamon na nakasisira sa “peace and security”
  • Inakusahan naman ng Chinese Embassy Manila ng pakikialam ang US

Suportado ng United States of America ang protesta ng Pilipinas hinggil sa 220 Chinese militia vessels na nakitang nakaangkla sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS) noong March 7.

Screenshot ng tweet ni US State Department Spokesperson Ned Price

“The US stands with our ally, the Philippines, regarding concerns about the gathering of PRC maritime militia vessels near Whitsun Reef. We call on Beijing to stop using its maritime militia to intimidate and provoke others, which undermines peace and security,” pahayag ni U.S. State Department Spokesperson Ned Price.

Sa  inilabas na statement ng Chinese Embassy sa Maynila, itinanggi nito na bahagi ng maritime militia ang mga barko. Mga fishing vessels daw ang mga iyon na nakaangkla sa naturang reef dahil maalon ang dagat.

Iginiit din nito na bahagi ng kanilang teritoryo ang reef.

Kinontra naman ng US ang pahayag ng Chinese Embassy.

“Chinese boats have been mooring in this area for many months in ever increasing numbers, regardless of the weather,” sabi nito.

Inakusahan naman ng Chinese Embassy ang US ng pakikialam.

“The United States is not a party to the South China Sea issue. Fanning flames and provoking confrontation in the region will only serve the selfish interests of individual country and undermine regional peace and stability,” post nito sa Twitter.

Screenshot ng tweet ng Chinese Embassy Manila

Umapela na si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na i-pull out na nito sa WPS ang mga barko.

Naghain na rin ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs hinggil sa naturang isyu.

Imahe mula sa NTF-WPS
Source :

ABS-CBN, GMA

Loading…