Utos na bawal sumama sa mga bakasyunan ang mga menor de edad binawi ng NTF

DFB file photo
  • Binawi ng NTF ang unang pahayag nito na nagsasabing bawal sumama sa pagbabakasyon ang mga menor de edad
  • Nilinaw ng tagapagsalita ng NTF na ang restriksyon na ipinatutupad sa galaw ng mga menor de edad ay sa Metro Manila lang
  • Nagbigay ng paalala si Sec. Romulo-Puyat sa mga bibiyahe at sa mga hotels at resorts na tatanggap ng mga turista na palaging sundin ang health protocols kahit nasa MGCQ area

Binawi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang nauna nitong pahayag na nagsasabing pagbabawalan ang mga menor de edad na sumama sa pamilya sa mga bakasyunan.

Screenshot mula sa ABS-CBN

“I stand corrected. The NTF allows minors to travel with their families point to point. The only restriction is their movement within Metro Manila especially to malls and crowded areas consistent with the announcement of the MMDA. Thank you! They may also avail of domestic air travel with their families specially during the season of lent and their academic break,” wika ni NTF Spokesperson Restituto Padilla.

Nilinaw ng tagapagsalita ng NTF na ang restriksyon na ipinatutupad sa galaw ng mga menor de edad ay sa Metro Manila lang, partikular na sa mga matataong lugar at sa mga shopping malls. Batay raw ito sa anunsyong ginawa ng Metropolitan Manila Development Authority.

Ikinagulat naman ng Department of Tourism ang restriksyon sa  mga menor de edad.

“Nagulat na lang kami noong nakita rin namin. Marami nagtatanong sa akin na mga netizens. Nagtatanong paano ’yan matagal na sila nag-save ’yung kanyang . . . Meron daw sila below 13 years, marami na kasi naka-book na sa airline. Naka-book na sa mga hotel. Paano ba ’yan? Iiwan na nila mga anak nila at mga lolo nila?” tanong ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Screenshot mula sa ABS-CBN

Makikiusap daw ang DOT at ipaaalam sa IATF ang kanilang posisyon tungkol sa pagpayag sa mga menor de edad na makasama sa pamilya na bibiyahe patungo sa lugar na mababa ang COVID-19 cases.

“Makikiusap kami. We will give our stand sa IATF but we will follow what the majority thinks. But the fact na MGCQ, puwede na tourism. Kailangan lang sumunod sa health and safety protocols. DOT will push pa rin lalo na this is the time to spend with families,” sabi n I Sec. Puyat.

Nagbigay ng paalala ang kalihim sa mga bibiyahe at sa mga hotels at resorts na tatanggap ng mga turista na palaging sundin ang health protocols kahit nasa MGCQ areas.

Source :

ABS-CBN, DWIZ

Loading…