Vaccine tracker hiniling upang malaman ng publiko ang progreso ng vaccination program

Imahe mula sa PNA
  • Nanawagan ang mga senador na magkaroon ng vaccine tracker upang malaman ng publiko ang progreso ng vaccination program ng gobyerno
  • Magiging money trail din ito para malaman kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pisong inutang ng gobyerno para makabili ng COVID-19 vaccines
  • Isiniwalat ni Sec. Carlito Galvez na ang vaccine tracker na ilulunsad ay nakararanas ng pagkaantala dahil sa internet connectivity issues ng ilang mga pagamutan

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Department of Health at National Task Force Against COVID-19 na gumawa ng vaccine tracker upang maipaalam sa publiko ang progreso ng vaccination program ng gobyerno.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Risa Hontiveros

Ang panawagan ng senadora ay kasunod ng $900 million halaga ng mga loans ng pamahalaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

“Ang taumbayan ang magbabayad ng mga utang na iyan. A vaccine tracker updated daily and accurately will be especially important when we start receiving the vaccines we paid for,” paliwanag ng senadora.

Sa pamamagitan ng vaccine tracker ay malalaman din umano kung saan napupunta ang mga inutang ng bansa para sa bakuna.

“Magiging money trail din natin ito para malaman kung saan napupunta ang bilyun-bilyong pisong inutang natin. We should be able to see that our money is being put to good and efficient use,” ayon pa kay Sen. Hontiveros.

Kailangan daw na publicly accessible, verifiable at user-friendly ang vaccine tracker na maglalaman ng mga impormasyon tulad ng kung anong bakuna ang dumating o parating pa lang, kung ilan ang mga ito at kung saan at paano ipinamahagi ang mga vaccines.

Dapat din umanong nakalagay sa vaccine tracker kung sinu-sino na ang nabakunahan.

Imahe mula sa DOH

Isiniwalat naman ni Sec. Carlito Galvez na ang vaccine tracker na ilulunsad ay nakararanas ng pagkaantala dahil sa internet connectivity issues ng ilang mga pagamutan.

“Meron po tayong more or less 500 hospitals ang nagri-report at kalahati po do’n hindi nakaka-report because of the lack of internet. Nakita po natin medyo mahina ‘yung ating internet connection sa ibang mga lugar,” anang vaccine czar.

Sinabi pa ni Sec. Galvez na tinatrabaho na ng pribadong sektor at ng Department of Information and Technology ang paglulunsad ng vaccine tracker sa mga darating na araw.

Ibinalita rin niya na as of Tuesday, March 16, ay umabot na sa 240, 297 health workers ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa DOH
Source :

GMA , GMA , DOH

Loading…