Vial ng unang COVID-19 vaccine dose sa US ibinigay sa Smithsonian Museum

Imahe mula sa Smithsonian
  • Kauna-unahang COVID-19 vaccine vial na ginamit sa US ibinigay sa Smithsonian museum
  • Kasama ring ibinigay ang iba pang vials, herenggilyang ginamit na panturok, scrubs at vaccination record card ni Sandra Lindsay
  • Ang nurse na si Sandra Lindsay ang unang tao sa US na naturukan ng COVID-19 vaccine

Tinanggap ng Smithsonian, ang pinakamalaking museum at research complex sa buong mundo, ang vial ng unang COVID-19 dose at  iba pang ginamit sa vaccine process sa United States of America.

Imahe mula sa Smithsonian

Inilagak ang vial ng Pfizer-BioNTech vaccine na itinurok sa nurse na si Sandra Lindsay, ang unang tao sa US na nabakunahan kontra sa COVID-19, sa National Museum of American History ng Smithsonian.

Ang New York-based health care provider na Northwell Health ang nag-donate ng vial sa Smithsonian. Si Lindsay ay nurse ng Northwell. Bukod sa vial ng first dose, kasama sa mga ibinigay sa museum ay ang iba pang vials, herenggilyang ginamit na panturok, scrubs o hospital gown at vaccination record card ni Lindsay.

“These now historic artifacts document not only this remarkable scientific progress but represent the hope offered to millions living through the cascading crises brought on by COVID-19,” mensahe ng museum director na si Anthea Hartig.

Ayon kay Michael Dowling, president and CEO ng Northwell Health, isang historic day daw ang December 14, 2020  –   ang araw kung kailan itinurok ang unang COVID-19 vaccine sa US.

Imahe mula sa Northwell Health

“It was our first real sign of hope after so many dark months in the fight against the global pandemic. … But when Sandra Lindsay rolled up her sleeve, we weren’t just showing our team members the safety and efficacy of this groundbreaking vaccine — we were telling the world that our country was beginning a new fight back to normalcy. It was an extraordinary moment, and I thank the Smithsonian for preserving this important milestone,” sabi ni Dowling.

Ang Smithsonian ay gumawa ng isang digital portal kung saan maaaring magpadala ng suggestions ang publiko kung ano pa ang maaaring isama sa koleksyon. Maaari rin magbahagi doon ang mga tao ng kanilang pandemic stories.

Imahe mula sa Smithsonian

Loading…